May kilala akong isang babae. Di gaanong katangkaran, maputi, matangos ang ilong, at medyo payat ang pangangatawan. Lampas balikat ang kanyang tuwid na buhok. Madalas siyang antukin at mahilig matulog kahit abutan na siya ng pagtirik ng araw. Madalas din siyang puyat dahil sa pako-computer kaya halos araw-araw siyang huli sa kanyang klase. Masayahin ang batang ito kapag nasa kondisyon pero minsan ay seryoso sa mga bagay at solohista kung kinakailangan. May masasabi sa klase ngunit tamad mag-aral. Marunong gumuhit ng iba't-ibang naiisip at kung minsan ay dinadaanan niya ito sa malikhaing pagsulat. Kung hilig niya naman ang pag-uusapan, rock ang gusto niya sa mga musika. Pero minsan, dala ng emosyon at kalagayan, nagpapatugtog din ito ng mga musikang sentimental at mga tugtog na pwede kang sumayaw. Curious siya sa mga bagay na hinid niya pa alam kaya kung minsan ay nagsasaliksik ito. Marami siyang naiisip na mga bagay-bagay. Minsan nga lang ay hindi na niya nasasabi ito dahil para sa kanya, mahirap maipaliwanag ang mga bagay sa mga taong hindi handang unawain. Pero alam mo, sa tuwing kasama ko ang taong ito, parang nakikita ko ang sarili ko. Marahil siguro, ang tinutukoy ko...ay ako.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home