Monday, August 09, 2004

Just another phase...

I can't sleep though I wanted to. Maybe it's because of that call which woke me
up a while ago. Damn! hehe...
Mahimbing ang ang tulog ko sa gitna ng dapit-hapong maulan. Panahon kung saan ang araw ay nakikipagtunggali mga ulap at kadilimang sumasakop sa kalawakan ng alapaap. Malalim ang tulog sa lamig ng tag-ualang panahon. Ninanamnam ang dalawang araw na bakasyon mula sa pag-aaral sa klase at araw-araw na madugong biyahe. Nanonood sa sine ng isipan na tanging laman sa kasalukuyan ay mga panaginip na nalipon buhat sa araw araw na buhay at mga pangyayaring tumatatak sa aking isipan pati na rin ang mga taong mahirap mapawi sa isip ng isang taong mahina at malungkot, gaya ko. Sa madaling salita, masarap ang tulog ko kanina. Isang isang malakas na tunog ng aking telepono ang bumulabog sa masaya kong kalagayan. May tumatawag sa aking telepono, isang kaibigang matagal ko nang di nakikita ni nakakausap. Pero wala ako sa sarili ng mga sandaling iyon. Tila lito sa mga pangyayari at di alam kung nasa gitna ng panaginip na ninanamnam o katotohanan nang pangyayari, kaya't di ko ito pinansin. Sa pangalawang pagkakataon, tumutog nanaman ang aking telepono. Ikaw ang nasa linya, tumawatag sa kadahilanang hindi ko alam. Muli, hindi ko ito pinansin. Ilang saglit ang lumipas, at nagpadala siya ng mensahe. Mabuti naman at naisip niya na baka nakakagambala siya sa pagtulog ng isang taong minsan na lamang makatulog ng mahimbing kumpleto. Malapit na ang alas dose ng mamulat aking mga mata pero wala itong koneksiyon sa paggising ko. Gumising ako dahil sa aking nararamdamang pagkalam ng tiyang walang laman, hindi pa pala ako naghahapunan. Dali dali akong nagpunta ng kusina at lumamon hindi kumain, lumamon. Pinuno ang aking nangangayayat na tiyan at pinawi ang matinding gutom at uhaw. Nabusog ako, busog na busog, pero hindi ako sumaya pagkatapos ng aking ginawa. Tinawagan ko ang taong tumatawag sa akin upang malaman ang kanyang layon sa pagtawag sa akin. Nais niya lamang palang mangamusta at itanong ang aking kasalakuyang kalagayan. Maraming salamat sa pag-aalala. Maraming salamat sa pag-aaksaya ng mahigit sa otso pesos na presyo ng iyong pagtawag. Salamat sa pagbibigay ng oras sa pag-aalala ng mga walang kwentang taong ayaw maganbala ang kanilang pagtulog. Salamat sa pag-iintay ng maraming taon. Heto nanaman ako, naalala tuloy kita, tatawag tawag pa kasi. Pagkatapos noon ay sinubukan kong kumunekta sa internet. Mabuti na lang at ako'y nakakonekta ng mabilis dahil kakaunti lamang ang gumagamit ng mga ganitong oras. Masaya ako dahil libre ang paggamit na ito ngunit ang sayang ito ay saglit lamang, masaya lamang sa mga kasalukuyang oras. Marahil ang pagkalungkot na ito isa lamang sa mga bagay na dala ng matinding antok. Sa wakas! Naramdaman ko rin ang bagay na kanina ko pa inaasam asam, ang antok. Isa sa mga pinakamainam na bagay na aking naisipang gawin ay ang pawiin ito sa pamamagitan pagtulog muli ng mahimbing. O aking unan! intayin mo ako!... ako'y matutulog na upang maabsan ang pagkabulabog ng aking magulong isipan at mundo. Magandang gabi.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Wah! So far, eto na ata ang pinkamahaba at pinakamaagang post! (wah! alas dose ng madaling araw!!!) Wah! Astig.. naman, kya pla di k tumtaba e.. di k naghahapunan.. hehehe.. joke.. :D Nyweiz... wow.. ang haba na, anlalim pa.. muntik n akong malito sa introduction mo.. hehehe... ang big sabhin lng pla nun ay Masarap lng tulog mo.. Hehehe... well, nawa ay umayos n ang iyong magulong isipan.. :D Uu nga pla... yung url ng syt mo ha.. cge po.. kip up d gud work! :D

10:53 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home