Saturday, August 21, 2004

With colds, cough, and fever...

Alas tres ng madaling araw. Nagising ako na naliligo sa sarili kong pawis dahil brownout. Grabe... sobrang init pero giniginaw ako. Masakit ang aking ulo dahil nilalagnat na pala ako. Nagbihis ako at naghanap ng pamaypay. Sobrang dilim ng paligid kaya ginamit ko ang cellphone ko bilang night lamp hanggang sa magising ako ng umaga, battery empty na ang cellphone ko. Natulog ako buong hapon at ngayong gabi ay nag-adik na muli sa internet. Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngunit nakakainis pa rin dahil may ubo at sinusitis pa rin ako. Talaga naman..oo! Hay nako... Salamat kay ninoy at walang pasok ngayon. panahon na para namnamin ang tatlong araw na bakasyon. Magpapahinga na muli ako upang makapasok sa martes kaya... magandang gabi sa iyo at salamat sa pagbabasa ng blogs ko.ü

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home