Thursday, January 20, 2005

Killer Jeepney

Martes ng umaga, maagang natapos ang aming dalawang pagsusulit. Sa gayon ay maaga rin ang aming uwian. Ngunit tulad ng nakaugalian, ang maagang uwian ay isang indikasyon ng maagang galaan... hehe....



Plano naming magbilyar na lamang pagkatapos ng pagsusulit ngunit nagbago ang aming mga isip pagkatapos naming mag-agahan sa isang karinderyang pagmamay-ari ng isang mayaman at masayang bubuyog...



"Sa Manila Zoo!" sabi ng isa sa aking mga kasama... nagyayaya ba naman sa Manila Zoo.. waaaah! Sawang-sawa na kami sa mga hayop... sa klase pa la namang ay puno na ng mga hayop... hindi na kailangang dumayo pa... hehe.. joke lang. Sa dinamidami ng mga plano... SM North Edsa lang pala ang bagsak namin.



Upang makarating sa aming pupuntahan ay sumakay kami sa isang jeepney... o mas maganda kung tatawagin nating killer jeepney. Anim kaming magkakabarkada na sumakay - dalawa sa tabi ng adik na tsuper at apat sa likod - at kumaripas na ang jeepney.



Hanggang dito na lang... nung tuesday pa kasi un... nawala ang momentum.



Paalam...


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home