Can't sleep due to excessive coffee comsumption. Bukas tensyonado nanaman ako. Matatraffic at siguradong late sa first subject. Kung bingo nga ung attendance dun siguradong tumama na ako... baka jackpot pa. Buti na lang di pa ako FA dun... nag-aaral naman kasi ako, konti... konti lang... hehe (I can feel the halo).
----
Naalala ko pa rin ang mga kataga sa librong aking nabasa na sinulat ni Bob Ong, Ang Paboritong Libro ni Hudas. Nang una kong makita ang librong ito, nag-assume agad ako na puro ka demonyohan lang ang mga nakasulat dito. Pero mali ako nang akin itong nabasa. Masaya ang mga nakasulat. Puro kalokohan at katatawan. At sa malalim na paglinang ay nagtataglay ito ng mga mensahe at tanong na atin ding tinatanong sa ating mga sarili. Natatawa pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang kanyang mga kataga. Hehe... maraming tanong na maiiwan sa inyong isip kapag nabasa mo ang librong ito.
Iipunin ko muna ang mga tanong at saka ko na lamang ibabahagi sa inyo upang magkaroon ng kalinawan at sagot ang mga bagay na hindi ko maintindihan tungkol dito sa kumplikadong mundo.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home