Thursday, June 02, 2005

nagbukas ang mga alaalang matagal ko nang pinilit limutin

Malaya kang ngumit sa akin. Pamilyar ang lahat at nagbukas ang mga alaalang
matagal ko nang pinilit limutin. Naroon ka kasama ng iyong tinig at masayang mga
mata, at ng mainit mong palad na muling humaplos sa aking pisngi... sa aking
puso... at sa aking panaginip.

Nasaan ka ngayon? At nasaan na ako?

Iang ulit kong ninais na sana kayang itawid ng ihip ng hangin ang
pakiramdam ng isang tao, tulad ngayon. Kung paano ko binabagtas ang araw-araw ay
nananatili pa ring isang malaking palaisipan. Ikaw na kasama ko. Ikaw na katabi
ko. Nandoon ka sa bawat sulok ng ako. Isng multo at isang bangunot. Isang
pangarap o pasasalamat.

Sana kaya kong dumilat bukas ng umaga na limot
na kita. Hindi lang sa isip, kundi sa puso. pagod na rin akong kalingain ang
walang-hanggang paghihintay sa iyo... o sa isang tulad mo. Tila isang malalim na
sugat na palagi kong kinakalkal at tinutuklap upang silipin kung gaano kasakit
at kung gaano kahapdi ang lahat. Baliw lang ang gumagawa non. Baliw ako.

Hindi ko pa alam o hindi ko pa kaya sa mga ngyon, kung paano tipunin sa
isang sulok ng nakaraan ang mga alaalang bumabagabag sa akin. Wala pa rin ako sa
panahon ng paghilom. Dahil ako marahil ang sumugat sa aking sariling kaluluwa.

Ngunit paano ko gagawing tuyuin ang ang mga luhang bumabalot sa aking
mga panaginip? Gaya ito ng lakas upang pigilin ang sigwa ng dagat at tipunin ang
mga patak ng ulan sa isang panig ng langit. Gaya ito ng paghamon sa talim ng
kidlat upang patayin ang kanyang liwanag. Ang paglimot sa iyo ay pagpigil sa
aking paghinga. Ang pagtalikod sa iyo ay paglimot sa aking sarili bilang ako at
ikaw at tayo bilang bahagi ng iisang buhay, kahapon.

Ilang gabi na ang
nagdaan, ilang araw na rina ng lumipas. Na kahit animo mo ay hindi ko nagawang
masilayan man lang. Ilang ulit ko na ring pinilit gapiin ang sarili ko laban sa
mga pagkakataong katulad nito. Ang patak ng aking mga luha ay mainit at may
halong pait at pangamba at takot at lungkot. At ang maninipis na hibla ng
pag-asa na isang araw muli kang bubuhayin ng ating nakaraan ay unti-unting
nauubos... na isang araw hihimlay ang puso ko sa kapahingahan.

At isang araw, ang paglimot sayo ay kasing dali na lamang ng
paghinga.



Haha... luma na yan. Mga two years ago. Ang korni! walastik! t^$%^nang yan... wala akong masabi sa nakakasukang taglay ng sinulat kong yan. hehe... joke lang! :)

Ito lang ang masasabi ko... iba talaga kapag totoo.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home