maghapong kantahan at tsismisan ng mga artista
Nanood ako ng The Best of I-Witness Vol. 1 kanina habang nagpapahinga sa malamig na hapon. Mas magandang manood ng mga documentaries kaysa sa manood ng mga maghapong kantahan at tsimisan (mga palabas sa mga local channels tuwing linggo).
Hmm.. Gusto ko yung "Sa Tuna't Ginhawa". Isang documentary tungkol sa buhay ng mga tao sa isang pulo sa Infanta, Quezon na ang ikinabubuhay ng mga tao ay pangingisda o paghuli ng mga tuna.
Ipinakita dito kung gaano kahirap at kapanganib ang buhay ng mga mandaragat, lalung lalo na ang mga mangingisda. Nakikipagsapalaran sa mga alon, at naghahangad na makahuli ng marami habang idinidikta ng panahon ang kanilang kaligtasan. Nakakaiayak nung umiiyak yung bata na anak ng isang mangingisda. Matanggal kasing mawawala ang kanyang tatay, kaya siguro nalulungkot siya. Pero ok din nung ininterbyu ang isa mga kasama nilang mangingisda. Kasi naniniwala pa rin siya na isang araw makakaahon sila sa kahirapan, hindi man niya maranasan iyon, masaya na siya na at least magiging maginhawa ang buhay ng kanyang mga anak.
Hay... basta un, marami pa. Ung Basurero, napanood ko na sa TV dati. Un ung tungkol sa batchoy. Ang batchoy na pagkain ng mga taong nakatira sa kalye at overpass.
Basta panoorin nyo na lang. Maganda. Mas makabuluhan kaysa sa maghapong kantahan ng mga nangangarap maging artista at tsimisan ng mga taong artista na. Ang Pinoy nga naman.
live life... rock and roll!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home