Monday, October 16, 2006

Adiós A Mi Dormitorio Querido

Siyempre title lang ang Spanish. Di ko kaya lahatin. :-)

Nabalitaan ko lang ang Hugh Wilson Hall sa isang kaibigan. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at doon ko pa pinili magdorm. Luma na ang tatlong palapag na gusali, madalim sa mga hallway (ano tagalog ng hallway?), hindi maganda ang banyo, at di ko alam kung sino sino ang mga araw kong makaksama sa kwarto. No idea sa lahat. Basta nalang ako pumayag na mag-stay dun. (Waah.. nahihirapan akong hindi i-taglish ang mga sinasabi ko.. dati kaya ko puro.. :( next... ).

First day sa dorm. Nameet ko ang mga roommates ko. Sila ay sina Sha, Ghing, at Myra. Wala akong kapareho ng kurso. Wala rin akong kasing-edad. Wala rin akong idea kung sino sila. Pero ayos lang. Friendly naman ako e... (minsan). Naalala ko nun, hindi ako makatulog. Bukas kasi ang ilaw at hindi ako sanay ng ganun. Naisip ko na kailangan ko na palang masanay ng ganun. Nagtakutan pa kami nun bago matulog. Nagkwento si Sha ng mga ghost stories ng dorm na un. Ako nasiyahan. Yung dalawa ko pang roommates, naduwag yata. (Hehe... aminin!)

Pagkalipas ng ilang araw, nagsabihan kami ng mga first impression sa isa't-isa. Ang naalala ko lang, yung sinabi ni Ghing. Mukha daw akong first year. Secong year nako nun. Nasa isip ko nun... "bugbugin kaya kita?!" Hehe... biro lang. ü

At lumipas na ang maraming araw. Baka mamaga ang kamay ko kaka-type kung ikukwento ko pa ang lahat ng araw namin sa dorm.

Naging masaya ang pagii-stay ko sa dorm dahil sa mga roommates kong sina Ghing, Myra, at Sha. Sa kanila ako nakakapagkwento ng mga kadramahan at mga bad trip sa buhay. Substitute ko sila ng blog ko. Dito kasi sa bahay, blog ang kausap ko kapag may bumabagabag sa isip ko. Marami akong natutunan sa kanila ng hindi nila nalalaman. They inspired me to study harder (naks naman... parang ang sipsip ng dating ah!). Masipag kasi sila mag-aral at manood ng dvd at mag-text. Ako lang yung hindi. Ako lang ung sira-ulo.

Sa pamamalagi ko ng halos isa't kalahating taon sa dormitoryong Hugh Wilson Hall, marami akong natutunan at nalaman sa buhay. (Washu!) Oo nga... promise! Natuto akong mag-aral. Hehe... Natuto ako mag-share. Natuto akong umigib ng tubig, kumain ng hindi masarap na luto ni Beh Sungit. Natuto ako magtipid, magpalaba ng damit sa malayong Wish Wash. Natuto ako mag-make up. Haha! Natuto ako magpasencya, maging considerate, at maging masaya. Natuto din ako ng mga kabaklaan galing kay Myra. (Hehe... di ba Myra?). Ako naman... tinuruan ko sila ng kalokohan. Tinuro ko sa kanila ang mga lugar na pwede silang maglakwatsa... pati mga sasakyan papunta dun. Hehe... joke lang... (Mabait ako kahit ayaw mo maniwala.)

Paalam na Hugh Wilson Hall na ngayon ay Nelly Lacson Ladies Dormitory na. Paalam Ate Virgie, sana ibalik na ninyo ang mga nawawalang damit nina Ghing, Myra, Sha, at ung isa sa Room 216. Salamat sa paglilinis ng banyo sa pambubulabog ng katok kapag 6:00 - 7:00 am. Salamat din po sa pagtawag sa akin ng "Lo". Malaki po ang naitulong ninyo sa amin. Sa mga dormmates ko na mahilig sa chismax... pati ung pagpapagupit ko ng buhok ko pinag-usapan nyo. Ayos lang. Bahala kayo kung trip nyo magbago. Wala akong paki... hehe. Ung Beh Sungit na sinabi ko kanina, un ung may-ari ng canteen sa baba ng dorm namin. lahat kasi ng taga-dorm "beh" ang tawag nya. Di ko lam kung ano ibig sabihin nun. Anong dialect ba un? Kaw, alam mo? Kay Ate Weng... wala lang. Kay Mommy... wala lang din. (Si Ghing po may gustong sabihin... Hehe). Sana po palitan na ninyo ang mga tubo at tangke ng tubig para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga namamalagi sa inyong dormitoryo. :-)

Hanggang sa muli. Isang malaking paalam sa aking lilisaning dormitoryo. Hindi ako natakot sa mga ghost stories nyo. Mas nakakatakot pa ung mga magnanakaw ng cellphone, pera, at akyat bahay na aming naranasan dyan. Naging malaking tulong ang inyong environment sa aking pag-aaral at paglago sa buhay. Maraming salamat at sa huling pagkakataon... paalam.

live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home