Saturday, November 04, 2006

MINAMALAS

Hindi ko alam kung ano meron sa araw na 'to pero masaya ako pagkagising dahil bertdey ng aking nanay. Bukod dun... marami pang nangyari.

Ang aga ko nagising kanina. Maaga daw kasi kaming aalis ng ate ko para mamili. First time kong makakita ng sunrise ngayong sembreak dahil oras ng tanghalian ang default kong gising. (Oo... pang tamad).

Kainis! Ang traffic papuntang school... and traffic papuntang manila. Kaya ayun, inabot kami ng siyam siyam sa daan. Wala naman akong choice kundi umupo sa bus at intayin na makarating sa paroroonan.

Pagkatapos ko samahan ang ate ko, nagpunta ako sa school para mag-enroll. Ala una na yata nung dumating ako school. Isa pang bad trip... wala daw akong subjects kaya kailangan pang magpa-advise at magpa-encode sa college namin. Kainis! kaya un, nagpunta ako sa faculty room ng department namin upang magpa-advise.

May maikling pila. So ok lang sa akin maghintay. Kaso ang problema, sobrang tagal mag-advise. Halos 10 minutes ang isang estudyante. Anim pa ang nasa unahan ko. No choice pa rin kaya't nag-intay ng mahigit isang oras. Buti na lang may nakita ako kaklase.

Hindi ko na ikkwento kung ano nangyari sa pag-aadvise sa akin. Pero masamang balitang at nakakalungkot. Secret na lang un. Hay... tama ung kaibigan ko. Hindi advising ang tawag ang tawag dun. Dictating. Hindi ka naman pwedeng pumili ng gusto mo. Lahat siya magsasabi. Siya ang magdedesisyon. Pano pa naging nag-advising un? Anyway...

Pagkatapos magpa-encode ay nagpunta nako sa seminary gym para magenroll. Sana. Kaso hindi kami umabot. Nakita pa naming sinasara yung gate. Ayaw na talaga magpapapasok. Bumalik na lang daw kami sa Lunes. Maraming salamat.

Bumili muna ako ng pagkain bago magpunta sa dorm at bulabugin ang roommate kong nandun na. Grabe, para akong bibitayin nung kumakain. Alas quatro ng hapong tanghalian. At iyon ang aking first meal of the day. Napakasaya.

Umalis ako sa dorm ng alas sais. Hindi naman ako natraffic sa quiapo. Mabilis akong nakasakay ng bus sa lawton. At maluwag naman sa taft. Akala ko makakarating ako sa bahay ng seven thirty or eight pm. Wala. Asa pako. Akala ko lang yun dahil inugat na sa coastal ang sinaksakyan kong bus. Sobrang traffic. Sobra. Simula sa coastal road junction (pauso ko lang na junction un), hanggang dito sa amin, kaya ng 15 minutes or less ang biyahe... considering a traffic free situation. Sa biyahe ko kanina, dalawang oras simula coastal hanggang dito sa amin. Dalawang oras. Dalawang malagim na oras. Natapos na ang isang movie ni richard gere na palabas sa bus... nasa coastal pa rin kami. Nasa kalahati na ang bagong salang na movie... nasa coastal pa rin kami. Oh yes!

Nakakainis pa yung katabi ko sa bus kaninang pauwi. Grabe, katabi ko siya ng tatlong oras. Mabuti at natiis ko iyon (haha! ang yabang!). Bakit nakakainis? Kasi meron yata siyang "Bawal-dumikit-sa-akin" policy. Ayaw nyang masasanggi cya o kahit na dumikit. Ang arte nya! Sana nag-taxi na lang siya kung ayaw niya ng hussle. Anyway... bahala siya sa buhay niya. Sana hindi ko na ulit siya makatabi.

Bago ako bumaba ng bus, umulan ng malakas na malakas.

At ngayon, masama ang pakiramdam ko. Para akong may lagnat at masakit ang mata. Siguro dahil puyat lang. Good luck sa akin.

Maraming salamat sa araw na ito. Ang daming nangyari. I love this day.

Sana hindi matuloy ang sakit ko kahit na kakagaling lang sa trangkaso at sore eyes yung kausap ko kanina.

So God help me for tomorrow.

"Everything will be fine."

Goodnight. :-)


live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home