Monday, March 08, 2004

Last night, I was reading this article my friend sent me,
---
masarap talaga ang feeling ng IN LOVE...

lahat naman tayo naiinlab...

pero marami sa atin ang INFATUATED lang...

both LOVE and INFATUATION are sure to live as up to cloud 9...

pero MAG-KA-I-BA sila...suriin mo ang nararamdaman mo...

ang INFATUATION ay matinding paghanga...

it is an instant desire...

matindi ang iyong pagnanais na makasama ang isang tao...

samantala, ang PAG-IBIG ay tila nag-aalab na pagkakaibigan...

ika nga, it takes root and grows one day at a time...

kusa itong sumisibol...

hindi ito padalos-dalos o pabigla-bigla...

kapag ikaw ay INFATUATED, may feeling ka of insecurity...

hindi ka mapalagay...

oo nga at excited ka ngunit hindi ka totoong masaya...

sometimes, you doubt him/her...

sometimes you always ask but seems to find no answer...

may mga bagay din tungkol sa kanya na gusto mong malaman...

at pag hindi mo ito magustuhan,

like hindi mo pala gusto yung taste of clothes niya,

you'd feel very disappointed...

it might shatter the image you've built about him/her...

LOVE, on the other hand, understands...

it knows that your loved one has imperfections...

ito ang totoong pag-ibig...

binibigyan ka nito ng kalakasan...

you even feel his/her presence kahit na malayo siya...

distance is not a hindrance for your love not to grow...

you're sure he/she is with you in spirit...

of course, you want him/her near...

but near or far,

you know he/she loves you as much as you love him/her...

you can wait for him/her...no matter what...

when you're INFATUATED,

you tend to say that you want to get married as soon as time
possible...

masasabi mo na," I can't afford to lose you!"....

samantala, when you're IN LOVE,

you don't rush into anything...

you're patient...

you don't panic...

you plan your future carefully...

INFATUATION is smart with sexual excitement...

you want constant intimacy with him/her...

samantala, LOVE is a maturation of friendship...

it is always best to be friends first before becoming lovers...

pag INFATUATED ka,

iniisip mo na baka nagiging unfaithful na siya sa'yo...

LOVE is trusting the other person...

you know you can trust him/her...

and by feeling this way,

he/she even becomes more trustworthy...

dahil INFATUATED ka,

maaari kang makagawa ng mga bagay

na maaari mong mapagsisisihan in the end...

but with LOVE, you are sure of your every move...

maginhawa ang iyong pakiramdam...

you function well...

nagiging mas mabuti kang tao pag alam mo

na pag-ibig nga ang iyong nararamdaman...

think about it...

think about the difference between

LOVE and INFATUATION...

you know, GOD is NOT a killjoy in love affairs...

LOVE is HIS idea...

He wants you to enjoy the REAL THING!

but......you have to be WISE!

or else, you might MISS it out...

worse, you'll just break hearts

or find yourself singing,

"sinaktan mo ang puso ko..."

after all, you're not settling for second best, right?
---
Napangiti ako sa nabasa dahil alam kong totoo 'to at matagal ko na 'tong
naisip. Mahirap manatili sa loob ng selda ng infatuation. Minsan hindi mo na
alam ang tama, Parang ang mundo ay umiikot lang dito at sa iyo at sa kanya.
Mahirap pigilin ang sarili habang inuudyokan ka ng puso mong mapanlinlang.
Akala mo tama, akala mo pagmamamahal. Masaya ka habang nandito dahil ni
hindi mo naisip kung bakit ka napunta sa loob ng seldang ito. Hindi mo maiisip
kung bakit ganoon ang mga ginagawa mo.Mahirap talaga. Pero sa lahat ng
mahirap ay ito ang pinakamahirap, ang tanggapin na hindi ito love kapag
nagising ka na at lumaya ka na sa katotohanan. Kapag naisip mo na ang lahat
ng iyong ginawa sa puro kasinungalingan. Wala kang paroroonan. Wala kang
hahantungan. Iiyak ka sa mga bagay na sana ay hindi mo na lamang ginawa at
mga bagay na hindi mo alam kung bakit mo iniiyakan. Iiyak ka na lang sa isang
gilid dahil nilinlang mo ang sarili mo. Sinundan mo kasi ang udyok ng puso
mong sinungaling at bulong ng tao. Napayaan mo ang lahat habang nasa selda
ka ng infatuation kung saan walang totoo, totoong pagmamahal.
Pero dadating din ang araw na maiisip mo na hindi pa huli kung ika'y
magbabago at babangong muli. At sana panibagong pagkakataon, mag-isip
ka nang mabuti. pag-aralan mo ang iyong nararamdaman nang hindi ka
ma-broken hearted dahil sa love walang malungkot.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home