Monday, March 01, 2004

Matagal-tagal na rin simula nang magsulat akong muli dito, at ngayon heto nanaman ako... nagsusulat ng kung anu-ano.

-ooooo-

Nakakapagod ang bawat araw. Napakaraming kailangang gawin. Mga bagay na kailangang asikasuhin at pagtuunan ng pansin. Pero minsan, naisip ko na maganda ang pagpapakapagod lalo na kung makikita mo ang mga magagandang naidulot ng iyong pagsisikap at ang kasiyahan ng ibang tao.

Nakatambak na sa aking desk ang mga paper works para sa school. Pero sa totoo lang pare, talgang tinatamad akong gawin ito. Hindi ko mahikayat ang sarili ko na simulan ito nang matapos ko na rin. Mahirap talaga kung hindi mo gusto ang mga ginagawa mo. Mahirap magpatuloy...mahirap magpakapagod.

Minsan, pumasok sa isip ko na ano kaya balang araw kung lahat ng kailangan mong gawin ay pwede na lamang pindutin sa isang button? Ngek! malabo mangyari iyon. At kung mangyayari man, hindi na kikilos ang mga tao bilang tao. wala nang dahilan para magtrabaho at magsumikap. Mawawalan ng saysay ang kalakasan ng ating katawan kung hindi natin gagamitin. Hay nako...! talaga naman ang katamaran kapag umatake walang gamot kundi ang ating sarili.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home