Sunday, November 12, 2006

New Hair Style

Nagpunta ako kanina sa salon. Malapit lng yung sa amin. Doon ako madalas nagpapagupit simula nung hindi pa ako namamalagi sa Manila. Hehe... Ang laki ng pinagbago ng salon na yon. Three-story building na siya at marami na ring services offered. Walang nagchichismisang bading. Walang maaarteng babae na nagchichismisan din. Payapa. Pero may background music. Gospel music. O di ba, ang saya? Malamig sa loob. Ang lakas ng aircon nila at umaambon din kasi kanina kaya lalong lumamig. Hindi amoy treatment cream yung salon at hindi rin makalat. In short, maganda, payapa, at malinis. Bad trip nga lang, dito pa yun sa Cavite.

Sa pagkakaalam ko, alas kwatro ako nagpunta ng salon. Wala namang pila kaya nagupitan kaagad ako. Trim lang, two inches. Ayokong mabawasan ng marami ang buhok ko. Tinawag na ako nung nasa front desk para gupitan. Ang magugupit sa akin, lalaki. "Ano, lalaki?!" Yun ang unang pumasok sa isip ko pagkakita ko sa kanya. Muka ba akong lalaki at bibigyan nyo ako ng barbero. E kung pagsasapakin ko kaya kayong lahat! (Hehe... ang yabang.) Mukang lalaki yung nagupit sakin pero hindi ako sigurado kung lalaki nga siya. Para i-describe ko ang itsura nya sa madaling salita, muka cyang miyembro ng F4. Muka bang lalaki un?

Nakaupo na ako sa shampoo area (hindi talaga shampoo area tawag dun.. gawa gawa ko lang yun. pede din ung tawaging shampoohan) sabi nya, hindi pa daw magsshampoo kaya lumipat ako ulit ng upuan. Dry cut muna daw. (Dry cut? meron pa palang ganun?) Kaya un, ginupitan nya ako - "dry cut".

Pagkatapos ng isang oras na gupitan. Tsaka pa lang ako shinampoohan. Pagkatapos, conditioner. Hindi ko masyadong nagustohan ang pamamaraan ng kanyang pagshs-shampoo. Sabi nya kasi, masama ang loob nya dahil hindi na sakop ng trabaho nya ang pagsha-shampoo. May ibang naka-assign doon. Pero tinatamad yung naka-assign kaya cya na ang gumawa. Kaya ayun, sa buhok ko yata binuhos ang galit. Wala naman naging pinsala bukod sa nabasa yung buong tenga ko. Pero ok lng, pinunasahan nya naman.

Akala ko blow dry na pagkatapos nung shampoo. Well, akala ko lang yun dahil meron pa palang isang oras na trim. Sa buong buhay ko, kanina lang ako naka encounter ng ganun kametikolosong naggugupit. Suklay, trim. Tingnan kung pantay. Suklay, trim, tingnan kung pantay. Tingnan kung ayos ang volume. Tingnan kung may naiwan. At marami pang iba. Inaantok nako sa tagal. Wala na rin akong ganang magreklamo dahil nga inaatok na ako.

Buti na lang hindi ako nakatulog habang ginugupitan. Hehe... nakakatawa naman ang itsura ko kung nangyari yun. Nakadalawang palit na ng ginugupitan yung nasa tapat ko. Tapos na rin yung nagpa-hot oil. Ako trim lang, nandun pa rin. Dumating at nakaalis na si Boy Text, ginugupitan na rin si Fat Girl, at tapos na rin si Ms. Taray... nandun pa rin ako. Ginugupitan.

Pero masaya naman kahit inabot ng dalawang oras ang gupitan. Hindi naman naubos ang buhok ko at feeling ko maganda ang kinalabasan. Binigyan ko siya ng tip. Pinaabot ko lang dun sa kasama nya. Sana binigay nya at hindi binulsa. Ok naman. Pagkatapos ng pagpapagpag sa mga pinaggupitang buhok, sabi nya sa akin ay magparelax daw ako. Lahat iyon na yata ang bagong tag-line ng mga hairstylists, "Magpa-relax ka na.". Ngumiti lang ako.


live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home