Thursday, February 01, 2007

Ma'am imbento

Wag mo nang basahin 'to dahil wala ka namang mapapala.

Marami akong kailangang gawin. Pero nakakalunod na. Kagabi gusto ko nang matulog. Yung mahabang tulog... yung walang magsasabi kung ano ang mga pending activities niyo tsaka nasaan ka dapat sa araw na yun. Isang mahimbing na tulog sa malamig na gabi.

Mararamdaman mo lang ang pagod kapag hindi ka na masaya. Bad trip ako nung isang araw sa prof namin. Feeling nya wala kaming ginawa para sa report namin sa subject nya. Two weeks before palang naayos na namin ung presentation. We just based it on how she delivers her lecture na mukha ring report. Tapos nag-eexpect siya ng kahit siya yata e hindi kayang gawin. Nagpareserve na rin kami ng mga equipments, ang problema palpak ung binigay sa amin at wala nang ibang available. Kasalanan ba namin kung ganun ka galing ang reservation system ng dean's office? Kung pede lang magdahilan nung nangiinsulto siya sa klase... kaso no choice. Makikinig ka lang sa mga sinasabi nya na para sa kanya mahalaga. Tapos kunyari natutuwa ka. Bad trip.

I just need a rest.

(to be continued.. project mode muna)

live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home