Monday, February 05, 2007

post muna bago matulog

Dapat natutulog na ako ngayon. Bukas may techno fair sa St. Paul QC, 8:00 am ang registration til 4 pm ata ung event. I got an invitation few days ago. Punta daw ung friend ko. Pero ako... hmm... tinatamad ako. Hehe... ok sana, kaso may gagawin pako. Busy-busihan nanaman (ang hirap nun i-spell a!). Inaantok nako. Pero ayaw ko pa matulog kahit alam kong bawal sa akin magpuyat. Hehe.. ganun talaga.

Bat ba ako nag-bblog e wala namang katuturan ang mga post ko dito. Kunyari magaling magsulat. Kunyari may sense ung sinasabi. Kunyari may magttyagang magbasa nito. Kunyai may mag-aaksaya ng panahon katulad ko. Kunyari lang.

Ano ba gagawin ko bukas? Hmm... sencya na ha. Hindi kasi ako driven by any strong emotion kaya ganito itsura ng mga posts ko. Hindi ako inspired nor in love nor in hate nor in hurry nor in nostalgia nor in extreme happiness nor in the mood of saying something with sense. Oblivious.

Ang bilis naman ng araw. Feb 5 na ngayon. Tatlong linggo na lang ang araw na pwede naming sayangin para sa paggawa ng project sa Systems Analysis and Design, sa paggawa ng Parser, sa pagppractice sa mga pakulo ni Mam Imbento, sa pagbawi sa mga alanganin nung Prelims, at sa pag-iisip ng pwedeng ilagay sa Math exhibit. San kaya kami pupulutin pagkatapos ng 21 days? Hmmm...

Ano ba meron bukas. Kwento ko na lang ang aking "ideal" day para bukas. Una... gumising ng maaga (na alam kong hindi mangyayari), Pangalawa... maglinis ng magulong cabinet at maglikpit ng mga nakakalat na damit (oo.. may mga nakakalat na damit dito sa bahay, ganun kami ka busibusihan). Pagkatapos... mag-eempake nako at aalis papuntang dorm. Pagdating sa dorm... maglilinis ulit ng mga kalat ko naman dun. Tapos matutulog. Pagkagising, mag-aaral para sa tambak na quizzes ko sa tuesday. Iniisip ko pa lang pagod nako. Hindi ko nalang iisipin. Hehe...

So pano? antok nako... next time nalang. Tsaka gagawa ko na nga pala kayo ng testimonial. Sa lahat ng pinagkakautangan ko ng testimonials at mga bawi sa declined meetings at parties. Magpapakita na din ako sa mga long lost friends ko. Hehe... Sencya na po. Bawi ako. Hehe... : ) Cge, good morning! :-)


live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home