Saturday, June 09, 2007

Iced tea on the rocks

As usual... hindi makatulog. Ikaw ba naman uminom ng isang litro na iced bago matulog, ewan ko kung dadapuan ka ng antok. Kung antukin ka man, sigurong hindi ka din makakatulog dahil kailangan mong mag-CR kada kinse minutos para ikondisyon ang nagwawala mong bladder.

Tapos na din akong manood ng ilang DVD. Wala nang online na mga kaibigan ko. Mahimbing na ang tulog mundo. Pero ako ngayon, eto, gising na gising kausap ang kaibigan kong notepad.

Ano ba meron at kamusta naman ako? Matagal na rin bago yung huling matinong update ko sa blog ko. Pasensiya na, walang time... kung meron man, aaminin ko na na tinatamad akong magsulat. Wala din namang interesanteng nangyari kamakailan.

Sa gabing ito, nanamnamin ko muna ang epekto ng iced tea at sisimulan ang operation sulat. : )

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home