Monday, May 14, 2007

Ano? Hindi ka bumoto?!

Kasasabi ko lang na hindi ako nakaboto dahil hindi ako umabot sa registration last year, bakit ba kailangan kong sabihin un palagi sa tuwing may magtatanong sa akin kung bumoto ba ako ngayong halalan. Oo na, nakakahiya na. Tama na ang sermon tungkol sa karapanan ng mga tao at demokrasya. Isa na akong mamamayang walang silbi sa lipunan. (Haha! nagdrama?)

Pero sabi ko sa tally na lang ako babawi. Magvovolunteer para sa mga nagpapatrol ng boto. Well, sabi ko lang yun dahil hindi nanaman natuloy. HIndi ako nakasama sa mga kasama ko dahil masama ang pakiramdam ko. Masama rin ang mood. Masamang masama ang araw ko. Walang kwenta. Bad trip.

Hay... kaya ngayong panahon ng halalan, nandito ako sa bahay. Gusto kong manood ng dvd kaso ayaw magplay nung gusto kong panoodin. Hindi ako makaalis dahil hindi nga maganda ang pakiramdam ko. Wala rin namang ibang magawa dito sa bahay kundi aliwin ang sarili sa PC at TV. Nakakatamad naman magtawag sa telepono dahil kagabi lang kausap ko sila.

Isa pang nakakainis sa araw na 'to, yung maiisip mo yung ginagawa ng mga kasama mo sa studio tsaka kung gano sila ka-busy at kasaya, yung mga kamag-anak mo na may tinta sa daliri at ikaw wala, yung mga barkada mo na nag-oouting at ikaw ay nasa bahay. *Sighs*

Sana magbukas na. Sana magaling nako. Sheesh talaga... hindi ako mapakali dito sa bahay. Kapag tumino na talaga pakiramdam ko, hahabol ako sa studio. Haha! Sana umabot. :-)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home