Hanep! mag-aalas diyes na ng gabi ng makauwi ako ng bahay galing sa OJT. Alas sais ang uwian namin. Naghapunan pa kami sa caferia ng aming opisina kaya't alas siete na kami nakaalis.
Patayan ang araw na 'to. Ala una ako natulog kagabi at gumising ng alas sais dahil may maaga kaming meeting sa school. Nakaalis naman agad ako ng bahay pero malupit ang traffic dito sa aming lugar. Halos tig-tatatlompung minutong nakatigil ang mga sasakyan bago ulit ito umandar. Kung aandar man, siguro malayo na ang dalawampung metro... tapos hinto ulit. Kaya wala ring napala ang paggising ko ng maaga dahil tinanghali ako ng dating sa school.
Pagdating ko sa school, nagpapirma lang kami ng mga dokumentong kailangang pirmahan ng aming adviser. Pagkatapos nun, nananghalian at umalis nanaman para pumasok na sa trabaho.
Pagdating sa trabaho. Saka ko na lang ikukwento. Pagod nako. Goodnight na muna. :-)

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home