Friday, March 09, 2007

BUHAY BOBO

Nakakainis kapag wala kang magawa sa bagay na alam mong ikaw ang responsable. Hindi sa hindi ka kumilos kundi dahil hindi mo talaga alam kung pano. Ewan ko, bad trip ako kanina pa. Kanina ko pa 'to sinusubakang matapos pero blankong papel at program errors pa rin ang nasa harap ko. Ang engot talaga. Nakainis.

Sumasakit na nga ulo mo, hindi mo pa alam kung pano gagawin yung assigned task sayo sa school, may nag-aabang pa sa pc na ginagamit mo na kulang nalang sabihin umalis ka na jan, tapos meron pang isang uutusan ka dahil wala ka naman daw ginagawa. Meron bang button na Delete Day? o di kaya press to self-destruct.

Hindi nagrereply ang mundo, pero wala naman akong tinext. Ang adik ko 'no? Ewan ko, feeling ko busy silang lahat. Marami silang gagawin na mas mahalaga kaysa sa pakikipagusap sa isang bad trip na katulad ko. Sila ngayon naman ngayon yung parang ako few days ago. Gets mo?

Hay... bakit ba kasi kapg pwede sila ako yung hindi. Kapag naman ako yung pwede sila naman yung hindi. Topak ba schedule ko o talagang wrong timing lang ako? Hay... gusto ko makausaup si jaya, si b2, si crush na matagal ko na ding di nakikita, si bestfriend, si big guy, mga miyembro ng SAWAKA, si dyep dyap, si mcdo, o kahit sino... Kahit anong kwentuhan basta malayo sa ginagawa ko ngayon. Waah! :(

Gusto ko makasama yung mga roommates ko. Miss ko na sila. Sobra. Ewan ko, sila kasi outlet ko ng mga ganitong kabaduyan sa buhay. Tamang kwentuhan at tamang drama. Hay... Sana nasa apartment ako. Sana kasama ko sila. Sana makahanap na kami ng malilipatan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home