EWAN KO. HINDI KO ALAM. BAD TRIP.
Umuwi ako kanina. Mag-isa. Alas onse bente. Kampante ako dahil may madadatnan akong mga sasakyang diretso sa amin. Kaya ayos lang sa akin na mauna na aking mga kasama pauwi. Pagdating ko sa terminal, ang saya. Walang sasakyan. As in, W A L A. Anong gagawin ko? May nakita akong bus na dadaan sa amin, pero ang tanging natanaw ko ay ang pagharurot nito paalis. Masyado nang malayo kung hahabulin ko. Hindi rin ako aabot. Pakiramdam ko ininsulto lang ako ng nakita kong bus na unti-unti pang kumakaway palayo.
Intay lang ako. Makalipas ang sampung minuto... intay pa rin. Intay ulit. At isa pang intay. Katorseng bus na ang dumaan pero lahat hindi dasdaan sa amin. Tensyonado na. Wala pa akong kasama. Wala ring sasakyan. Tanging ang mga dispatser, tambay, at mga tsuper lang ang nasa di kalayuan. Anong gagawin ko?
Tinext ko ang aking kaibigan. Sabi ko bumalik siya. Kaso wala na rin daw biyahe pabalik sa kung nasaan ako. Hindi na din siya palalabasin ng land lady nilang pinaglihi yata sa bad trip. Wala na akong magagwa kundi mag-isang harapin ang napipintong panganib.
Sumakay ako sa bus na biyahe sa isang lugar kung saan ang probabilidad ng krimen ay nasa isangdaang porsiyento. Sa bus nagdadasal ako. Kabado pero nasa katinuan pa naman ang pag-iisip ko.
Pagbaba ko sa lugar na paraiso ng krimen, nagmamadali akong naghanap ng bus o kahit fx. Basta kahit anong pwedeng sakyan pauwi sa amin. Wala pang dumadating. Mga taong hindi ko kilala ang nasa paligid. May mga pulubi, may mga mukang naka drugs na nakikipagpatintero sa hi-way, isang mamang may nakakapangilabot na ngiti sa akin, may mga nagbabangayang babae, at mga lalaking naghahabulan na parehong may dalang patalim. Hindi ako makapaniwala kung paano ako naging kalmado sa gitna ng mga pangyayari. Pero siyempre kabado.
Limang minuto ang nakalipas, at dumating na rin ang bus na sasagip sa akin sa paraiso ng krimen. Kahit tayuan na at malapit na sa pinto ang natitirang pwesto, wala na akong pakialam. Sumakay na ako dahil gusto ko pa mabuhay.
Maraming lalaking nakaupo sa bus. Ako nakatayo. Naisip ko, na-extinct na talaga ang mga maginoong lalaki sa mundo. Nakatayo sa bus. Pagod. Iritable.
Wala pang kinse minutos ang biyahe ko pauwi mula sa paraiso. Mabuti na lang, mabilis. Walang trapik at nakatulong sa pagginhawa ng aking pakiramdam... kahit papaano.
Nasa tapat nako ng bahay namin. Akala ko ayos na ang lahat. Pede na ako agad maligo para linisin ang mga dungis na napulot sa paraiso. Kaso mali nanaman ang akala ko. Nakakandado ang gate at pinto. Patay na ang mga ilaw. Tulog na silang lahat. Sinubukan kong tumawag pero hindi ako naririnig sa himbing ng kanilang tulog. Wala ring silbi ang sangkatutak na aso dito sa looban namin dahil ni isa sa kanila, walang balak tumahol. Yung isa nakikipaglaro pa akin. Tumahol ka! Seryoso ako! Kailangan ko ng tahol mo! Walang kwenta. Trenta minutos bago mabuksan ang gate. Bagsak na ako sa labas. Ang dami ko pang bitbit.
Pagdating sa bahay, may nag-iintay na trabaho. Nakangiti pa sa iyo ang mga paperworks mo na parang gusto mong bugbugin dahil pagud na pagod ka na. Ayoko na.
Isang delubyo.
live life... rock and roll!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home