Monday, February 19, 2007

1:32 am on my clock

Wala akong ginawa maghapon kundi manood ng dvd at magdikit ng pop-ups sa wedding invitation ng kuya ko. Oo, may pop-ups... astig. Parang yung sa party hat na suot ng mga bata sa children's party. Ganun... ang kulit. Hehe... Late na nga rin pala ako nagising kaya ang ikli ng araw na 'to.

Ang takaw ko! Sobra! As in! Promise! Ayoko na ilista lahat ng kinain ko. Pero talagang marami... marami ring full meals. Wow, katakawan! Hehe... Actually habang sinusulat ko 'to ngayon kumakain pa rin ako ng ice cream. Mmmm... sarap! Gusto mo? Sige, share tayo. Sayo nalang ung 1/8, akin ung natira. :D Hehe...

Currently browsing the net for phone models. Naghahanap ng magandang cellphone pero wala akong balak bumili dahil wala rin akong pera. Hehe... Kainis kasi. Forever mute na ang phone ko. Kahit Loud pa ang profile nya, walang pinagkaiba sa Silent. Hehe.. ang saya. At least hindi na ako mapagbibintangan sa classroom na nagriring ang phone habang nagkaklase. Hehe... Wala rin akong masyadong interes sa mga mamahaling cellphone. Hindi ko pa naman kailangan ng ganun sa ngayon at ayokong masama sa mga near-death-experience-dahil-sa-cellphone-holdup stories ng mga kaibigan ko. Hehe... at yun na nga wala ako pera. Kahit meron, ayoko. Hehe...

Pero maghahanap pa rin ako ng magandang model. Sa tingin mo, ano magandang brand?


live life... rock and roll!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home