Friday, March 09, 2007

Yung defense namin kanina, one big mess. Pero ayos lang. Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin ang mood ko. Nakuha pa naming magkulitan ng mga kaibigan ko kanina sa KFC tsaka habang pauwi na. I'm supposed to be very frustrated and mad by now. Dunno what it is that keeps my mood in good swing.

Nakakapagod. Namiss ko ung tulog na pang tamad. Yung tipong hanggang tanghali na nagising ka dahil sa init ng araw at gutom dahil kahit pananghalian ay nalipasan ka rin ng gutom. Magagawa ko na ulit yun. Soon.

Saka ko na lang itutuloy 'to. Inaantok na ako. Ayoko magkasakit at ayokong matuloy ang nag-aalborotong sakit ng ulo sa isang nakakapraning na migraine. Magandang umaga.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home