NEURON ACTIVITIES
"Scientist have proved that human minds are linked with each other through neuron activities.
So if you're thinking of someone all day long without any reason at all... he/she is thinking of you too."
- Time Magazine
Gusto ko sanang sagutin ng isang malaking "OWS?" ang nagsend sa akin nito. Pero wala akong load. Wahaha! Kaya dito ko na lang ibubuhos sa blog ang comment at mga tanong ko para dyan. Hehe...
Actually, napaisip ako pagkareceive ko nyang message na yan. Hindi ako masyadong maniniwala kahit na Time Magazine pa ang nakalagay na source kaya ni-reresearch ko siya ngayon sa net. :-) Sa palagay mo, totoo kaya yun?
Pero kung iisipin mo, sa isang araw, marami kang naaalala na tao. Kahit nga yung pinakakinaiinisan mo aminin mo man o hindi, naaalala mo din sila. Minsan kapag may naiisip akong tao, kinakamusta ko sila. Pero mas madalas yung hindi. Mas madalas yung wala akong ginagawa para sabihin na naalala ko sila sa araw na yun. Hindi ako masyadong ganado sa pangangamusta ng mga tao. Depende sa mood at sa level ng boredom.
Hmm... bakit nga kaya ganun 'no? May iniisip ka sa buong maghapon na isang tao at hindi mo alam kung bakit mo siya iniisip. Pagkatapos, mapapaisip ka din kung iniisip ka din niya kahit na naniniwala kang hindi ka niya naiisip. Gets mo? Ang labo talaga.


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home