Wednesday, March 30, 2005

meet my cute dog... cindy ü

live life... rock & roll!

this photo was taken last feb 13 when we were making our project for the ICS exhibit. (hehe...walang tulog tulog.. :) )
live life, rock

hehe... ang halay
live life, rock

Thursday, March 24, 2005

Antok...nasan ka na?

1:57 AM 03/23/2005

Tao

Ang tao nga naman kahit balibaliktarin mo man ang mundo... tao pa rin (Note: except si ano at ano... di tao un..Hehe).

May mga taong madaling pakisamahan. May mga taong nakita mo pa lang ay alam mo nang magkakasundo kayo. May mga taong nakita mo pa lang ay maiinis ka na at tila ayaw mo na siyang makita kahit kailan. May tao kang kinasuksuklaman, kagalit, o kinaiingitan. May mga taong kinatatanawan mo ng utang na loob. May mga taong pinagkait sayo ang lahat. May taong ituturing ka na parang basura pero may tao ring hinding hindi ka babasurahin at gagawin ka pang prinsesa. May mga taong di masaya sa mga simpleng bagay. Mayroon di namang mababababaw. May mga taong mahal ka kahit wala kang ginagawa para sa kanya at mayroon di namang hindi ka kayang mahalin kahit na anong pilit pa ang gawin mo.

Ganyan talaga. Sabi Nya nga sakin "That's life.ü" and theres nothing we can do about it but to admit the truth. Reality bites... alam ko un. Minsan nga hindi lang kagat ang tumbas na sakit ng katotohanan.. pede ring sabihing... reality kills. Mahirap tanggapin ang mga bagay bagay na hindi pabor sa ating kagustuhan pero kailangang maging malawak ang ating isip para matanggap ang mga ito na hindi nangangailangan ng mahaba-habang inuman. Hehe...

Malabo ang world peace (layo sa topic 'no?) hindi... malabo ang world peace dahil ganito ang mga tao. Isa nang pambihirang himala kapag nangyari ito. Dahil ganyan nga ang mga tao, malabong magkasundo ang lahat. Kung sa simpeng pila lang bus o kahit anong nangangailangan ng konting pasenya eh mainit na agad ang ulo ng mga tao ay patuloy na magiging agresibo ang mundo.

Ang tao ay patuloy na magiging tao (pangatlo na 'to). Pasensya lang ang kailangan.

Good morning! hehe 2:15 AM na.

Di pa rin ako inantok. Pero magpapahinga na ako. magandang umaga ulit! ü


live life... rock and roll!
1:32 AM 03/23/2005

Sana madali ang makatulog. Sa klase, oo, pero sa aking kalagayan sa ngayon, ang hirap. Masaya na ako kapag ako'y dinapuan ng antok.


Tapos na ang klase. Noong Sabado ang last day ng finals. Hanggang bukas naman ang consultation - consultation kung saan hindi lang pag-ccompute at pg-aanalyze ng grades ang ipupunta mo. Naroon ka rin upang magpa-cute at magmakaawa, o bayaran (na kadalasang ginagawa) ang iyong prof ,na inaway mo ng buong sem, para lang ipasa ka. Consultation... ang natitira mong pag-asa upang questionin ang iyong mga marka.


Gaya nga dun sa aking isang post (with unknown author... but thanks anyway), hindi yan mararamdaman ng mga top students. Pero para sa mga tatamad tamad na gaya ko, malaking sakripisyo ang kailangang gawin upang maghabol ng naksabit na marka.


I have a failing grade. Actually di ko pa alam kung ilan sila pero ang tentative ay dalawa. Hehe... ganoon na ako katamad at ngayon lang nangyari un simula ng pumasok ako paaralan. Nasa record my first red mark kung sa high school. Hehe... astig! Ganito pala feeling bumagsak (although marami akong quizzes na bagsak dati..but not a final grade). Hehe... Natatawa lang ako sa nangyari. Produkto ng isang matinding katamaran.


Pero cyempre, katulad ng lahat, meron din akong reasons kung bakit ako tinamad. Isa na dun ang napakahirap na biyahe na kailangan mong gawin araw-araw. Tsaka napansin ko, naging sakitin ako noong panahon ng aming finals kaya't madalas akong absent. O kung hindi naman ay, pumapasok lang para sa attendance dahil hindi makapag-consentrate.


Hay nako... bakasyon na nga. Pero magiging maikli ang aking bakasyon. Kung magkakaroon ng offer for summer classes this April, mag-ssummer ako. Tapusin na ang dapat tapusin. At pagkakataong ito, magtino. Hehe... wala namang mahirap kung gusto mo di ba?


Isa pang bagay tungkol sa pagbagsak. Minsan kasi kapag ika'y lumilipad o lumulutang, hinding hinid mo malalaman kung ano ang feeling ng lumagapak sa lupa. Masakit pala. Ok lang, at least nalaman mo at di mo na papabayaan ang sarili mo na lumagapak sa lupa. Kanya-kanyang lipad... ganyan sa college.


Sa April pa ang kuhanan ng aming clearance. Ano man ang grades ko, I'm ready to face it dahil ako ang gumawa nun.


Good night! :)

Tuesday, March 15, 2005

Mmm Sarap


Mmm Sarap by Kamikaze

di ko mapigilan ngumiti pag ika'y nakikita
para kang isang regalong nagbibigay saya
nagtataka kung anong hiwagang meron ka
sana ang nadarama ay di na lumipas pa
para bang namamasyal sa ulap tuwing kasama ka...
pati mga problema ko'y biglang limot ko na..
ang oras ay biglang natrapik biglang humihinto
sulit ang bawat minutong ika'y naririto

Kay sarap isipin na nariyan ka
pag ako'y nalulumbay
basta't kasama ka lahat ng bagay ay puno ng kulay
naririrnig ang daloy ng tubig at ihip ng hangin
sa piling mo'y naglalakbay ako at nananaginip

ano ba ang meron ka at ako'y naakit mo
mapungay ang mata pagikay kasama ko!!!
basta't kapiling ka ako ay ayos na...
at sa bawat hithit iyong makikita na mahal kita


hehe dis song is all about drugs ^_^ hehehe joke lng

Wednesday, March 09, 2005

Kicked-out ka ba?

Eto ang speech na astig



"Ngayong araw na ito, sa ating pagtatapos, mayroon akong dalang Transcript of Record. Ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito ay nag-aral sa De La Salle University. Sa unibersidad na ito, kapag ikaw ay isang undergraduate, may ID number na nagsisimula sa "94" at pataas, kung lumipas ang isang buong schoolyear at umabot ka sa 15 units na bagsak, masisipa ka sa paaralan.



Ang transcript na hawak ko ay mayroong 27 units ng bagsak. 12 sa mga ito ay tinamo ng estudyante sa iisang schoolyear lang. Ang isang subject ay kadalasang may bigat na 3 units. Kung iisiping mabuti, isang subject na bagsak na lang ay pwede na masipa ang estudyanteng may-ari ng transcript na ito. Ang speech na ito ay hindi ko ginawa para i-acknowledge ang paghihirap n gating magulang sa pagpapaaral natin. Hindi ko din ito ginawa para maghayag ng political statement, o kumbinsihin kayo na huwag umalis sa bansa at tulungan itong maka-ahon.



Ang speech na ito ay para sa mga normal na estudyante na kagaya ng may may-ari ng transcript na hawak ko, dahil madalas, wala talagang paki-alam ang unibersidad sa mga achievements nila. May mga awards na gaya ng "Summa Cum Laude", "Best Thesis Award" at "Leadership Award." Pero ni minsan, hindi pa ako nakakakita ng unibersidad na nagbigay ng "Hung on and managed to graduate despite nearly getting kicked-out during his academic stay" award.



Maaaring isang malaking kagaguhan ang konseptong ito para sa karamihan. Bakit mo pararangalan ang isang estudyanteng bulakbol, bobo, tamad o iresponsable? Hindi ba dapat isuka ito ng unibersidad? Ito yung mga tipo ng estudyanteng walang ia-asenso sa buhay, hindi ba?



Ayun. Natumbok niyo.Iyun na nga ang dahilan. Madalas, pag ang isang estudyante ay may pangit na marka sa paaralan, lalong-lalo na sa kolehiyo, nakakapanghina ito ng loob. Nandiyan yung tatamarin ka mag-aral, nandyan yung iisipin mo "Ano pa kayang trabaho ang makukuha ko? Call center na naman o clerical? Ba't kasi ang bobo ko. Kung matalino lang ako, sana, sa Proctor and Gamble ako, o kung saang sikat na kumpanya."



Mas mahirap ang dinadaanan ng mga estudyanteng bumabagsak. Kahit na sabihin mong
kasalanan nilang bumabagsak sila, hindi ninyo alam kung ano ang pakiramdam ng ganun. Madaling sabihin na "Kaya mo yan, mag-aral ka lang..." pero alam ba natin talaga ang sinasabi natin?



Kapag ang isang estudyante ay bumabagsak sa unibersidad, nandiyan yung tatawanan niya lang yan. O di kaya naman, ipagmamalaki niya pang "TAKE 5 NA KO!!!" o "Pare, magpi-PhD na ako sa Anmath3/Calculus/etc." Pero hindi alam ng mga isang Summa Cum Laude kung ano ang nasa isip ng isang normal na estudyante sa tuwing matutulog ito at alam niyang
pag-gising niya, kailangan niya na naming ulitin ang isang subject na nakuha niya na sa susunod na term. Kahit kalian, hindi naging problema sa "Star Student" na sabihing "Nay, bagsak ako." at hindi kailanman sumagi sa isip nila na "Paano kaya kung sa walang-pangalang kumpanya lang ako makapagtrabaho?" Dahil sigurado sila sa kinabukasan nila.



Huwag na tayong maglokohan. Grades are everything. Kahit bali-baligtarin mo iyan, hindi magiging patas ang mga kumpanyang kumukuha ng fresh graduates para magtrabaho sa kanila. Minsan din naman, nadadaan sa palakasan, pero ganun pa din. Kung hindi ka academically good, wala kang patutunguhan. Kung hindi man yun, mas mahirap yung dadaanan mo para lang makaa-abot sa prestihiyosong posisyon.



Kaya ngayong graduation, ang speech na ito ay inaaalay ko para sa mga estudyanteng lumpagpak, muntik-muntikanan nang masipa o yung lahat ng paraang pwede, ginawa na para lang makatapos. Gagawin kong patas ang mundo para sa inyo kahit isang araw lang.Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, kesyo kasalanan mo man na pangit ang marka mo o muntik ka nang makick-out, saludo ako sa hindi mo pagtigil sa pag-aaral. Saludo ako na may lakas ka ng loob na
harapin pa rin ang mundo kahit alam mong hindi ito magiging patas sa iyo. Saludo ako na kahit pangit ang transcript mo, taas-noo ka pa rin ngayong graduation
at proud na proud sa sarili mo.



Ano ngayon ang mangyayari sa mga graduates pagkatapos nitong graduation? Ayoko nang puntahan yung pwedeng mangyayari sa mga Cum Laude. Baduy. Alam mo naming me patutunguhan ang buhay nila e. Pero dun sa mga lumagpak, ano ang meron?



Maaring makakuha kayo ng mediocre na trabaho lang. Pwede ka rin swertehin, baka
makapagtrabaho ka sa magandang kumpanya. Madami pang pwedeng mangyari. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kung nung college, nagtiyaga kayo e...ba't titigilan niyo yung pagti- tiyaga ngayon? Pwede ring ganito: Mag-aral ka ulit. Ipakita mo sa kanila na kung sipagin ka lang, malayo ang mararating mo. Subukan mong patunayan sa kanila na kapag pinilit mo, kaya mo ring abutin yung naabot nila. Na hindi ka bobo, kundi tinamad ka lang.



Baka sabihin ninyo, drowing lang ako. I've been on both sides. Naranasan ko na ring lumagpak, at muntikan na din akong masipa. Naranasan ko na na umulit ng 4 na beses sa iisang subject. Naranasan ko na na masumbatan ng magulang, kapatid at kung sino-sino pang propesor na walang pakialam sa pakiramdam ng estuyante. Naranasan ko nang hindi makatulog ng maraming gabi sa pagiisip kung paano ko na naman sasabihin sa magulang ko na may bagsak na
naman ako. Kaya alam ko ang pakiramdam ninyo. Akin ang transcript na ito.



Pagkagraduate ko ng college, ano ang ginawa ko? Eto. Nagtrabaho muna ng konti, tapos aral ulit. Kuha ng Masteral sa kurso ko. Hindi para sa trabaho o kung ano man. Kundi para patunayan sa sarili ko na noong mga panahong bumabagsak ako, tinatamad lang ako.



This is a rebellion. I raise my middle finger to every professor, over-achiever, naysayer
and detractor that told me that I can't make it. I raise my middle finger to every valedictory or graduation speech that only gratifies the university, those who were achievers in school or those who gratify the country when it's supposed to be the graduate's moment of glory. You are supposed to acknowledge EVERYONE. Even those who failed many times.



Kaya sa inyong mga graduates na medyo hindi maganda ang marka, para sa inyo ito. Kung kinaya ko ito, kaya niyo rin to. Imposibleng hindi."