Labels: Thoughts
Sunday, July 29, 2007
“Maturity is: The ability to stick with a job until it's finished; The ability to do a job without being supervised; The ability to carry money without spending it; and The ability to bear an injustice without wanting to get even”
- Abigail Van Buren
Isang mensahe galing sa inbox ng cellphone ko
"Palaging ka na lang nag-iisip ng bagay na ikalulungkot mo."
Salamat sa isang tao na halos wala pang isang buwan kong kilala. Hindi ko alam kung ano ang nakain mo at sinabi mo yan pero sa totoo lang, nagpe-playback sa utak ko ang linyang yan sa tuwing nalulungkot ko.
Sunday, July 01, 2007
Buhay Eskwela
01:32 AM 6/30/2007
Isa 'tong blog entry. Pero dahil walang PC dito sa dorm at tinatamad akong magsulat, pinagtiyagaan ko nang gamitin ang aking cellphone bilang temporary storage ng mga walang katuturang nasa isip ko.
Hindi ako makatulog. Masakit ang ulo ko dahil sa nag-aalboroto kong sinusitis. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya dapat sana, mahimbing na ang tulog ko sa ngayon. Tahimik na ang paligid. Tulog na din ang mga kasama at kausap ko kanina. Pero napakaingay pa ng isip ko. Hindi mapalagay at maraming bagay na nakakapagpabagabag.
Piliin natin ang eskwela bilang ating paksa sa gabing ito. Total ito namna ang inaatupag ko sa kalahati o halos buong araw.
Mahirap ang school ngayon. Bawal ang petiks. Maraming ginagawa, maraming inaaral, at marami pang kailangang aralin. Masyadong mabilis ang agos kaya dapat maging handa ka para hindi ka malunod. May mga subjects kaming bawal kumurap kapag discussion dahil parang magic na nagta-transform ang mga equationsat hindi mo malalaman kung paano nangyari yun kung makakaligta ka ng isang segundo.
Meron ding subject na kailangan mo ng isang matinding logical na pag-iisip o kung sasang-ayon ka sa kayabangan ng professor namin sa subject na iyon, common sense lang daw ang kailangan. Bukod sa common sense, kailangan mo din ng pera para sa lingguhang pagpapa-photocopy ng bawat chapter ng librong prescribed niya. Wala na kasi kaming mahanap na kopya ng librong yun. Kumbaga sa hayop, extinct na siguro.
Bukod dyan, meron pa kaming isang matalik na kaibigan, ang thesis. Napaigting na kami sa isa't-isa ng subject na 'to matapos naming pagbulaybulayan ang ibayong pananaliksik sa ipo-propose naming topic at umaasa kaming marami pa kaming mga araw at gabing paglalamayan alang-alang sa thesis na 'to.
Hindi madali ang buhay namin sa ngayon. Kung sa isang video game, ito na ang isa sa pinakamatinding kalaban sa difficult level.
Pero natutunan ko rin na ang mga mahihirap na bagay ay hindi magiging mahirap kung magiging handa tayo. Dalawa lang ang bagay sa mundo, mga bagay na madali at mga bagay na hindi natin napaghandaan. Magiging magaan ang mga subjects na 'to kung sasanayin natin ang ating mga sariling makibagay sa kanila. Iensayo ang mga sarili at matuto hindi lamang sa libro kundi pati sa takbo ng buhay. Hindi mo kailangang maging pinakamatalinong estudyante pero kailangan mong mag-isip at gumawa ng solusyon sa bawat problema upang isalba ang sarili mo dahil walang ibang tutulong sayo. Tiyaga at disiplina. Isang ibayong pagsasanay. Konti tiis na lang. Konti na lang... malapit na tayo doon. :-)