Wednesday, February 28, 2007

Thinking it over

Why should I feel discouraged,
Why should the shadows come,
Why should my heart be lonely
And long for heaven and home,
When Jesus is my portion?
My constant friend is he:
And I know he watches me

-Civilla D. Martin (1868-1948)


live life... rock and roll!

COLLEGE

Sa kakanood ng Grey's Anatomy, ayan... palagi tuloy nag-eemote. Hay... Alam ko maraming gagawin. Reports, projects, case study, presentations, quizzes, at ang parating na major exams. Wala ako sa ayos. Pagod pero low ang productivity, poor output. Hindi ko din alam kung saan ko nilaaan ang kapirasong lakas ko araw araw. Siguro, sa paggawa ng wala.

Wala nang time para sumpungin ng katamaran. Wala nang bukas kaya hindi pwede ipagpabukas ang mga gawain. Hindi ako makapag-isip ng tama. Malungkot ako. Exhuasted and a little distracted. Ang dami kong gustong gawin. Pero hindi yun ang kailangan kong gawin. Sometimes, you have to sacrifice what you want for what you need. Hindi ko alam kung bakit hindi ko malagay sa wants ang school stuffs na tinatawag kong needs. Too tough.

Itutuloy ko na ang ginagawa ko. Labing apat lahat yun. Dalawa pa lang natatapos ko. Labing dalawa na lang. Aja! Mahaba pa ang gabi para sa akin.


live life... rock and roll!

Monday, February 26, 2007

Wide Awake

I love dreaming. But not that day dreaming that you do in class while your professor is busy showing off their so called great success and experiences. The dreaming that you do while you're asleep. Good dreams. An ideal one.

It's like you're watching a movie or playing a role playing game where your character is you, yourself. Most of the time, you can decide what to do when you're dreaming. The choices are yours.

You became the leading character and the director at the same time. You see things which you'll never see in real life. You can be in places which you thought non-existing and somewhere you haven't been.

Your feeling is like in real life, while you're awake. Real sadness and real happiness. Real pressure and real exitement.

What I really like about dreams is, you get a chance to see people which you will never ever see in real life. You get a chance to talk to them. Laugh with them and hug them. Things that exist only in dreams. Unfortunately, only in dreams. But the good thing about it is, you'll end up waking up... smiling.



If the my only way to be with you is through dreams, I'll sleep whenever I feel lonely.

live life... rock and roll!

30 SECRETS OF MYSELF

A survey from Friendster posted by a friend. Feeling sleepy though I know I can't sleep yet. I still have tons of work to do. Bored. Kaya survey muna.

1. What does your Name mean?
> derived from my parents' names.

..2. What's your current problem?
> TIME and confidence. I can't manage my time effectively that's why I'm missing a lot of things. I the other one... hmm... dunno why. I just don't have it.

3. What's your middle name?
> sarte

4. What is your current relationship status?
> single and happy.

5.Honestly, does your crush like you back?
> I don't know. I also hope so. =)

6. What is your current mood?
> sleepy... though I know I shouldn't.

7. What do you love most?
> life.

8. What makes you happy?
> life itself. my friends. =)

9. Are you musically inclined?
> I wish I am. but I love music.

10. If you could go back in time, and change something, what would it be and why?
> do the things that I should have done, say things I should have said. why? to make my life more interesting.

11. If you had to be an animal for one day, what would you be?
> dove or a dog. I like to know how it feels like to fly free. A dog to see what loyalty and good faith is.

12. Ever have a near death experience?
> oh yes! last week... my nearest death experience.

13. Name something you do a lot?
> think.

14. What's the name of the song thats stuck in your head right now
> someday - nina (oh yes! bitterness!)

15. Who did you copy and paste this from?
> galwin

16. Name someone with the same b-day as you.
> There was one, the short-term choir instructor in our church. Sorry, I forgot her name.

17. Do you play any sport?
> yes

18. Have you ever sang in front of a large audience?
> oh yes! I hate it.

19. Have you ever been in a band?
> I once wished.

20. What's the first thing you notice about the opposite sex?
> attitude.

21. Have you ever painted a portrait?
> yes. =)

22. Have you ever worked at a burger joint?
> no, I haven't.

23. If you know someone who's in love with you do you have a message for him/her?
> thank you. =)

24. Ever got so embarrassingly drunk?
> never.

25. Do you still watch kiddy movies or TV shows?
> cartoons.

26. Do you have braces?
> none.

27. Are you comfortable with your weight?
> yep!

28. Do you speak any other languages?
> no, and I don't think I can. Someday, I'll be able to.

29. What's your favorite smell?
> smells... clean?

30. who do you think will re-post this?
> I just did.



Now, such secrets are not secrets anymore.

live life... rock and roll!

Tuesday, February 20, 2007

EWAN KO. HINDI KO ALAM. BAD TRIP.

Umuwi ako kanina. Mag-isa. Alas onse bente. Kampante ako dahil may madadatnan akong mga sasakyang diretso sa amin. Kaya ayos lang sa akin na mauna na aking mga kasama pauwi. Pagdating ko sa terminal, ang saya. Walang sasakyan. As in, W A L A. Anong gagawin ko? May nakita akong bus na dadaan sa amin, pero ang tanging natanaw ko ay ang pagharurot nito paalis. Masyado nang malayo kung hahabulin ko. Hindi rin ako aabot. Pakiramdam ko ininsulto lang ako ng nakita kong bus na unti-unti pang kumakaway palayo.

Intay lang ako. Makalipas ang sampung minuto... intay pa rin. Intay ulit. At isa pang intay. Katorseng bus na ang dumaan pero lahat hindi dasdaan sa amin. Tensyonado na. Wala pa akong kasama. Wala ring sasakyan. Tanging ang mga dispatser, tambay, at mga tsuper lang ang nasa di kalayuan. Anong gagawin ko?

Tinext ko ang aking kaibigan. Sabi ko bumalik siya. Kaso wala na rin daw biyahe pabalik sa kung nasaan ako. Hindi na din siya palalabasin ng land lady nilang pinaglihi yata sa bad trip. Wala na akong magagwa kundi mag-isang harapin ang napipintong panganib.

Sumakay ako sa bus na biyahe sa isang lugar kung saan ang probabilidad ng krimen ay nasa isangdaang porsiyento. Sa bus nagdadasal ako. Kabado pero nasa katinuan pa naman ang pag-iisip ko.

Pagbaba ko sa lugar na paraiso ng krimen, nagmamadali akong naghanap ng bus o kahit fx. Basta kahit anong pwedeng sakyan pauwi sa amin. Wala pang dumadating. Mga taong hindi ko kilala ang nasa paligid. May mga pulubi, may mga mukang naka drugs na nakikipagpatintero sa hi-way, isang mamang may nakakapangilabot na ngiti sa akin, may mga nagbabangayang babae, at mga lalaking naghahabulan na parehong may dalang patalim. Hindi ako makapaniwala kung paano ako naging kalmado sa gitna ng mga pangyayari. Pero siyempre kabado.

Limang minuto ang nakalipas, at dumating na rin ang bus na sasagip sa akin sa paraiso ng krimen. Kahit tayuan na at malapit na sa pinto ang natitirang pwesto, wala na akong pakialam. Sumakay na ako dahil gusto ko pa mabuhay.

Maraming lalaking nakaupo sa bus. Ako nakatayo. Naisip ko, na-extinct na talaga ang mga maginoong lalaki sa mundo. Nakatayo sa bus. Pagod. Iritable.

Wala pang kinse minutos ang biyahe ko pauwi mula sa paraiso. Mabuti na lang, mabilis. Walang trapik at nakatulong sa pagginhawa ng aking pakiramdam... kahit papaano.

Nasa tapat nako ng bahay namin. Akala ko ayos na ang lahat. Pede na ako agad maligo para linisin ang mga dungis na napulot sa paraiso. Kaso mali nanaman ang akala ko. Nakakandado ang gate at pinto. Patay na ang mga ilaw. Tulog na silang lahat. Sinubukan kong tumawag pero hindi ako naririnig sa himbing ng kanilang tulog. Wala ring silbi ang sangkatutak na aso dito sa looban namin dahil ni isa sa kanila, walang balak tumahol. Yung isa nakikipaglaro pa akin. Tumahol ka! Seryoso ako! Kailangan ko ng tahol mo! Walang kwenta. Trenta minutos bago mabuksan ang gate. Bagsak na ako sa labas. Ang dami ko pang bitbit.

Pagdating sa bahay, may nag-iintay na trabaho. Nakangiti pa sa iyo ang mga paperworks mo na parang gusto mong bugbugin dahil pagud na pagod ka na. Ayoko na.

Isang delubyo.


live life... rock and roll!

Monday, February 19, 2007

1:32 am on my clock

Wala akong ginawa maghapon kundi manood ng dvd at magdikit ng pop-ups sa wedding invitation ng kuya ko. Oo, may pop-ups... astig. Parang yung sa party hat na suot ng mga bata sa children's party. Ganun... ang kulit. Hehe... Late na nga rin pala ako nagising kaya ang ikli ng araw na 'to.

Ang takaw ko! Sobra! As in! Promise! Ayoko na ilista lahat ng kinain ko. Pero talagang marami... marami ring full meals. Wow, katakawan! Hehe... Actually habang sinusulat ko 'to ngayon kumakain pa rin ako ng ice cream. Mmmm... sarap! Gusto mo? Sige, share tayo. Sayo nalang ung 1/8, akin ung natira. :D Hehe...

Currently browsing the net for phone models. Naghahanap ng magandang cellphone pero wala akong balak bumili dahil wala rin akong pera. Hehe... Kainis kasi. Forever mute na ang phone ko. Kahit Loud pa ang profile nya, walang pinagkaiba sa Silent. Hehe.. ang saya. At least hindi na ako mapagbibintangan sa classroom na nagriring ang phone habang nagkaklase. Hehe... Wala rin akong masyadong interes sa mga mamahaling cellphone. Hindi ko pa naman kailangan ng ganun sa ngayon at ayokong masama sa mga near-death-experience-dahil-sa-cellphone-holdup stories ng mga kaibigan ko. Hehe... at yun na nga wala ako pera. Kahit meron, ayoko. Hehe...

Pero maghahanap pa rin ako ng magandang model. Sa tingin mo, ano magandang brand?


live life... rock and roll!

Saturday, February 17, 2007

Crush

No, he's not cute
Nor the smartest in class
Nor talented
Nor the friend of everyone
Nor a man of perfection
Nor every girl's dream
Nor rich
Nor popular
He's not even noticable
But he's young at heart and
mature enough in facing life's challenges
Full of spirit and energy
So open yet mysterious
Can be shallow and deep at the same time
Can be humorous but serious in his meanings
He said I inspire him
And continuously teach him things essential in life
But such inspiration and lessons comes from him
For he unknowingly inspires me.

Blessed. I am.



live life... rock and roll!

Thursday, February 15, 2007

If (today == ValentinesDay) {
traffic = Heavy;
flowersPrice = flowersPrice^2;
travelTime = travelTime*2;
}

Kulang pa yan. Di ko na maalala yung iba. Hehe...

live life... rock and roll!

Saturday, February 10, 2007

HS survey

Dahil walang magawa.

1.saan ka naghighschool?
- lta

2.teacher's enemy ka ba?
- nope.

3.anong kulay ng ballpen ang lagi mong
gamit?
- black

4.pala-recite ka ba?
- hindi.

5.nagpapakopya?
- hindi din. haha!

6.nagdadala ka ba ng sarili mong papel?
- cyempre.

7.nasa top 10 ka ba ng klase?
- nung high school lang yun. hehe...

8.sino ang pinakaayaw mong teacher?
- yung naging substitute teacher namin sa THE na hindi ko alam kung teacher talaga.

9.e (mga) pinaka-favorite/s?
- celeste tsaka ung mga kabarkada nya. hehe...

10.pinakaayaw mong classmate/s?
- wala naman.

11.anong subject ang may highest grade mo?
- nakalimutan ko na.

12.lowest subject?
- PE. ang subject na masarap mag-absent. hehe...

13.sino ang crush mo during those days?
- wahaha...

14.ano ang theme song mo sa kanya?
- ang baduy mo naman. may pa theme song theme song ka pa. hehe...

15. fave events
- kahit ano basta hindi ginagawa sa umaga.

16.saan ang paborito mong place sa klasrum?
- sa may bintana.

17.natutulog ka ba sa klase?
- cyempre.

18. favorite mo ba ang PE?
- hindi.

19.may swimming pool ba kayo sa skul?
- wala e. pond lang.

20. oval?
- wala din. ewan ko ngayon.

21.basketball court?
- marami.

22.naisip mo na bang sunugin ang skul ninyo?
- oo... sinubukan pa nga e. hehe... joke lang! :-)

23.nagprom ba kayo?
- oo

24.may nakaaway ka bang teacher?
- pinagalitan lang ako. hindi daw tama ang pagbibigay ko ng ballpen.

25.ano ang pinakamamimiss mo sa HS?
- yung kwek kwek sa may daan pauwi tsaka yung mga kalokohan. hehe...

26.worst kalokohan nung hayskul?
- ano ba? hmm... wala naman akong pinangunahang kalokohan pero mahilig ako mag-absent. un lang.

27.greatest regret?
- sana marami akong ginawa kasi marami akong kayang gawin. hehe...

28.if given the chance, gusto m p b ulit HS?
- ayos lang. magaan kasi HS kaysa sa college. hehe...

29. anu-ano sections mo nung HS?
- alpha tsaka rosal. hehe...

Tuesday, February 06, 2007

Strangebrew



Miss this show. Nasaan na kaya si Erning? Hehe... :-)

live life... rock and roll!

Monday, February 05, 2007

post muna bago matulog

Dapat natutulog na ako ngayon. Bukas may techno fair sa St. Paul QC, 8:00 am ang registration til 4 pm ata ung event. I got an invitation few days ago. Punta daw ung friend ko. Pero ako... hmm... tinatamad ako. Hehe... ok sana, kaso may gagawin pako. Busy-busihan nanaman (ang hirap nun i-spell a!). Inaantok nako. Pero ayaw ko pa matulog kahit alam kong bawal sa akin magpuyat. Hehe.. ganun talaga.

Bat ba ako nag-bblog e wala namang katuturan ang mga post ko dito. Kunyari magaling magsulat. Kunyari may sense ung sinasabi. Kunyari may magttyagang magbasa nito. Kunyai may mag-aaksaya ng panahon katulad ko. Kunyari lang.

Ano ba gagawin ko bukas? Hmm... sencya na ha. Hindi kasi ako driven by any strong emotion kaya ganito itsura ng mga posts ko. Hindi ako inspired nor in love nor in hate nor in hurry nor in nostalgia nor in extreme happiness nor in the mood of saying something with sense. Oblivious.

Ang bilis naman ng araw. Feb 5 na ngayon. Tatlong linggo na lang ang araw na pwede naming sayangin para sa paggawa ng project sa Systems Analysis and Design, sa paggawa ng Parser, sa pagppractice sa mga pakulo ni Mam Imbento, sa pagbawi sa mga alanganin nung Prelims, at sa pag-iisip ng pwedeng ilagay sa Math exhibit. San kaya kami pupulutin pagkatapos ng 21 days? Hmmm...

Ano ba meron bukas. Kwento ko na lang ang aking "ideal" day para bukas. Una... gumising ng maaga (na alam kong hindi mangyayari), Pangalawa... maglinis ng magulong cabinet at maglikpit ng mga nakakalat na damit (oo.. may mga nakakalat na damit dito sa bahay, ganun kami ka busibusihan). Pagkatapos... mag-eempake nako at aalis papuntang dorm. Pagdating sa dorm... maglilinis ulit ng mga kalat ko naman dun. Tapos matutulog. Pagkagising, mag-aaral para sa tambak na quizzes ko sa tuesday. Iniisip ko pa lang pagod nako. Hindi ko nalang iisipin. Hehe...

So pano? antok nako... next time nalang. Tsaka gagawa ko na nga pala kayo ng testimonial. Sa lahat ng pinagkakautangan ko ng testimonials at mga bawi sa declined meetings at parties. Magpapakita na din ako sa mga long lost friends ko. Hehe... Sencya na po. Bawi ako. Hehe... : ) Cge, good morning! :-)


live life... rock and roll!

Thursday, February 01, 2007

Ma'am imbento

Wag mo nang basahin 'to dahil wala ka namang mapapala.

Marami akong kailangang gawin. Pero nakakalunod na. Kagabi gusto ko nang matulog. Yung mahabang tulog... yung walang magsasabi kung ano ang mga pending activities niyo tsaka nasaan ka dapat sa araw na yun. Isang mahimbing na tulog sa malamig na gabi.

Mararamdaman mo lang ang pagod kapag hindi ka na masaya. Bad trip ako nung isang araw sa prof namin. Feeling nya wala kaming ginawa para sa report namin sa subject nya. Two weeks before palang naayos na namin ung presentation. We just based it on how she delivers her lecture na mukha ring report. Tapos nag-eexpect siya ng kahit siya yata e hindi kayang gawin. Nagpareserve na rin kami ng mga equipments, ang problema palpak ung binigay sa amin at wala nang ibang available. Kasalanan ba namin kung ganun ka galing ang reservation system ng dean's office? Kung pede lang magdahilan nung nangiinsulto siya sa klase... kaso no choice. Makikinig ka lang sa mga sinasabi nya na para sa kanya mahalaga. Tapos kunyari natutuwa ka. Bad trip.

I just need a rest.

(to be continued.. project mode muna)

live life... rock and roll!