Thursday, July 28, 2005

Com Lab 2, 2nd Floor Eng'g Bldg.



Hindi naman kayo ganyan off cam ha! hehe... :)

live life... rock and roll!

Sunday, July 24, 2005



live life, rock & roll

Thursday, July 21, 2005

Magulong Isipan

live life... rock and roll!

Pinauna ko na yung mga kaibigan ko. Di ko trip sumabay pauwi. Pupunta sila sa may fountain of knowledge at wisdom ata para mag photo shoot. Pero di ko trip sumama. Hindi ko alam kung bakit gusto kong mag-isa ngayon.

Magulo ang isip ko. Maraming bagay ang bumabagabag sa aking kalooban at sa aking mundo. Hindi ko alam kung bakit kailangang sabay sabay na dumating ang unos sa iyong buhay. Gayong hindi ka naman ganoon kalakas upang harapin ang mga ito. Alam ko na isang paraan iyon upang ika'y maging matatag, pero minsan pinanghihinaan ka ng loob at parang ayaw mo na.

Nakakapraning mag-isip ng problema. Mahirap din baguhin ang mga bagay na nakasanayan mo na. Hay nako... bakit ganito. Nakakapanghina, nakakawalang-gana.

Sana lahat ng problema mo ay kayang daanin sa iyak o di kaya'y halakhak. Kaso hindi ganoon ang buhay. Masakit ang katotohanan pero dapat mong tanggapin kahit na ito ay tila paglunok sa isang basong bugbog.

Kalimutan ang problema sa ngayon...

May exam kami sa Accounting at Philosophy bukas. Hindi pa ako nagrereview. Uwi na ako, nang makapag-aral.

Paalam...

Malungkot na Mundo

Hmm... 6:49 pm in my clock. I'm here at the UST Library to avail this free internet access. I noticed a sign on the door before I enter this internet room, "Open from 8:30 am - 6:30 pm" as usual... hindi naman nasusunod ang patakaran.

Anyway here I come again, writing about nothing. Trying to fill this empty sheet about my never-changing-everyday-routine. Hay nako... ako'y nababagot.

Ayoko pa umuwi sa dorm. Nakakatamad doon. Walang pc, walang tv, at magtyaga ka sa fm radio na walang antenna. Nababagod na ako sa gabi-gabing kwentuhan. O di kaya naman ay review at basa ng mga lecture notes at books. Wala namang pagbabago.

Boring... anyway...

live life... rock and roll!