Ako'y katulad ni czah at ni ma'am cha na natuwa din sa article na 'to kaya ilalagay ko din sa aking blog. Salamat kay uh Polgas na isang Skater boy.
Sa link nito nanggaling ang article na yan.Pero kung tinatamad ka mag-click at mag-intay sa pag-loload ng pc mo, dito mo na lang basahin. Hehe...
---
ANG COMSCI AT ANG ANOMALY
from: Uh
www.peyups.com
Isa akong logical na tao. Logical, ibig sabihin hinahanap ko ang mga rason para sa mga bagay at nagdedesisyon din ako base sa mga rason na ‘to. Mahilig akong magisip, at ito ang paborito kong pastime. Nakakalibang ang algebra, at math naman ang paborito kong subject. Mabilis rin ako sa minesweeper. Sigurado akong kaya kong ibreak ang record mo. Pati na rin siguro sa tekken kaya kitang karnehin. Na-solve ko rin ang rubik’s cube nang walang nagtuturo. At kahit nung bata pa lang ako kung kelan pa lang ako nagsisimulang magisip, sisiw lang kahit yung pinakasopistikadong jigsaw puzzle. At oo, bago pa man ako mag-aral, nung mga tatlong taon pa lang ako, sa unang beses kong makakita ng game-and-watch, sinabi ko sa sarili ko na balang araw e gagawa ako nito. Tamang tama, parang planado, at naging comsci nga ako.
Planado na ngang talaga, at parang kalkulado ko lahat ng mga mangyayaring sunod sa buhay ko. Hawak ko ang Algorithm, ang perpektong Pseudocode ko. Lahat ng mga mangyayari alam ko na, na parang program na ako mismo ang sumulat. Oo, lahat.
Lahat siguro alam ko na.
Pwera ka.
Oo, pwera ka. Ikaw lang siguro yung hindi ko nakalkula. Malamang nga, ikaw pa lang yung nakarating dito sa pinaka-loob ko kung saan nakasulat ang matibay at napaka-walang maling source code ko. At doon nagsimula. Nakaramdam ang robot. Nakalimutan nya ang rason, at nagsimula syang malito. Biglang ikaw na lang yung naging rason. Ikaw na lang. Bakit, sino ka nga ba? Kung ikaw ang millenium bug, malamang hindi ako Y2K ready. Wala akong alam sa ganitong sitwasyon, pero bakit parang ikaw na lang ang alam ko? Unang beses ‘to sa buong buhay ko, sa tinagal ng run-time ng algo ko, pero kung Tekken ang buhay, eto ako, naka-hold ng forward, hindi man lang nag-tag, at handa nang mamatay.
Ikaw pa lang siguro yung nakarating dyan sa source code ko, o sa pinaka-kaluluwa ng isang taong katulad ko kung tawagin, kung saan ako pinaka-mahina, pinaka-hindi nagiisip, pinaka-talunan. Ano bang ginawa mo, at parang gusto kong sabihin sa buong mundo na mahal na kita? Hindi. Hindi lang siguro yun dahil sa mga mata mo na kaya akong lunurin, pero maging masaya pa rin na nalunod ako. Hindi. Nawala na ang rason, pero bakit parang wala pa ring mali?
Kung Java program ako, isa kang Exception na hindi ko alam i-throw. At siguro, kung sa C, kahit magcompile hindi ko na magawa. Ikaw ang Anomaly ng Matrix ko, at kahit si Agent Smith o Merovingian e natalo mo. Ikaw na nga ang “why”, pati ba ang “what” ikaw pa rin? Sabihin mo naman sa akin kung pano mo ‘yon ginawa. Bakit? Ikaw ba yung the One? Kung ikaw nga, at alam kong ikaw nga, sana ayos lang sa’yo.
Alam kong sinabi ko na sa’yo lahat, pero hindi ko alam kung naniwala ka. Pasensya na kung wala na akong magawang iba para maniwala ka. Salita. Yun lang. Pero hindi naman kasi “mahal kita” lang yung gusto kong sabihin e, marami pang iba. Hindi ko lang alam kung pano sabihin, o kung ano yung katumbas nun sa salita. Oo, hindi ko mahanap yung salita. Kahit siguro saan language – kahit sa C++ o Java, Pascal o Cobol, VBScipt o ActionScript. Kahit sa mas kumplikadong assembly language, o machine language. Kahit sa mga 1s at 0s ng binary, mga true o false ng boolean, o kahit saan pa.
Pagpasensyahan mo na ang nakayanan ng isang comsci na walang alam sa salita, pero ngayon, uulitin ko, at maghihintay ako sa sasabihin mo, kahit kailan pa yon at kahit anuman yon, gaya ng sinabi ko sa'yo: Mahal kita.
###############
Paunawa: Ang may akda ay kasalukuyang infected ng isang klase ng virus na uncleanable. Pagpasensyahan nyo na.
---
Haha! inlab? Hindi, natuwa lang ako.