Saturday, August 18, 2007

Naramdaman mo ba yung lungkot na sobra sobra na halos wala ka nang gana sa mga bagay na dapat mong gawin. Yung mga bagay na alam mo namang priority mo pero hindi mo mahanap yung will para magpursiging tapusin ang mga tungkulin na naka-atang sayo. Yung lungkot na pakiramdam mo sobrang lamig at dilim ng paligid at wala kang kasama. Nakakainis yung pakiramdam na para kang nahuhulog sa bangin na walang katapusan at pagod ka na sa kakasigaw at paghingi ng tulong dahil nahuhulog ka pero hindi ka pa rin lumalagapak sa sahig at alam mong hindi ka mamamatay. Makakatulog ka dahil sa kakaiyak. Pagkatapos mapapanagginipan mo pa yung bagay na dahilan na kalungkutan mo at mulat ng mga mata mo sa iyong paggising, yun ulit papasok sa isip. At paulit ulit ang ganung sitwasyon haggang sa unti-unti ka na palang kinakain nito.

Wala ka ding lakas para kumbinsihin ang sarili mo magiging maayos ang lahat at magpatuloy pa. Kahit na alam mong maraming nag-iintay na magagandang bagay pagkatapos ng unos, tila hindi ka na naniniwala sa mga bagay na nalalaman mo.

Nakakainis yung ganung sitwasyon. Maraming tao ang tutulong sayo. Tutulungan ka nilang bumangon ulit at kukumbinsihin ka na may mga masasaya pang bagay sa kabila ng lahat. Papaalalahanan ka kung ano ang tama at nanarapat. Ibabalik ka sa dati mong prestihiyosong katayuan at gagawa sila ng paraan ng kung pano ka ulit ngingiti at tatayo mula sa pagkakadapa.

Pero hindi pa rin yun uubra kung ang kalaban mo ay ang sarili mo. Mahirap baguhin ang isang bagay na hindi mo naman talaga gustong baguhin. Mahirap gawin ang isang bagay na hindi ka desidido. Impossibleng gumaling ang sugat kung paulit-ulit mong titiklapin ang langib nito.

Mahabang panahon ang gugugulin ng prosesong 'to. Isang matinding will at patience ang kailangan dito. Hindi rin madali ang lahat. Pero since posible naman at libre ang paghilom sa sarili, subukan nating piliin na pagalingin ang ating mga sarili at maging sino o higit pa sa kung sino tayo dati. Kahit ako nasa proseso pa na ito. Hindi talaga madali pero mas maganda at magaan kung magtutulungan tayo.

One day at a time.

Salamat sa mga kaibigan.

1:11 AM 6/25/2007

Friday, August 03, 2007

From the lines of Papa Dom

"Polish your craft first. "

Sabi ni Papa Dom of Tropical Depression. Nanood kasi ako kanina ng Dokyu and the featured film was about the current setting of indie bands in the Philippines.

Napaisip lang ako sa linyang yan. Siya nga naman, kailangan mong maging mahusay muna para may mapatunayan kang may ibubuga ka. Na-relate ko lang siya sa current situation namin ngayon. Sa kasalukuyang ginagawa namin at kasalukuyang performance. Dahil graduating na kami, handa na ba talaga kaming gumaraduate at sumabak sa "real" industry? Are we competitive enough? Can we make it in our own? Well sa ngayon, ang palagay ko, hindi pa namin masasagot ng sigurado ang bagay na yan. Kailangan muna naming patunayan na kaya namin bago kami magsalita na kaya namin.

Kaya deadlines at requirements muna ang aaatupagin namin. Magiging abala muna kami polishing our craft.