Hu u?
Habang nasa dorm at hindi makatulog, nag-sulat muna ako ng post sa blog.
08/24/06 ay mali 08/25/06 na pala. 00:31 na ayon sa clock ng aking cellphone.
Oo, alam ko late na, at bawal ako magpuyat dahil baka atakihin ako ng migraine at sinusitis ko. Pero kahit pilitin ko ang sarili ko, hindi pa rin ako makatulog ng maaga. Lalo na ngayong may bumubulabog sa isip ko, dahil sa isang text message kanina.
May nag-text sa akin, at wala sa phonebook ko ang number. Malamang, itatanong ko kung sino siya, sabi sa akin hulaan ko daw. Naku naman! Di na lang sagutin kung sino siya. Ok na sanang hindi replyan. Kaso, di pwedeng hindi dahil kilala niya ako. Hindi lang sa pangalan, pati ang itsura at mga bagay na related sa akin. Hay... kaya un, nanghula ako. Hehe... feeling ko mali ung first guess ko dahil late ko na natanggap yung second part nung text niya dahil full na kasi ang inbox ko. Kaya un, nakapagreply na ako bago nabasa ang 2nd set. Binawi ko ang unang guess ko at nagtanong ako ng further details tungkol sa kanya. Hindi na siya nagreply. Siguro nakatulog na, late na din kasi.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung sino siya. Malamang nakasana ko na siya dati. Dating kaklase, kabatch, o pwede ring teacher. Siya kaya yung matagal ko nang hinahanap na teacher? Hindi ko alam. Matagal na rin simula nang huli kong inalala ang HS at elem life ko.
Hay...masakit na ulo at sa wakas inaantok na rin ako. Masakit na rin ang kamay ko, pero marami pa akong gustong isulat. Next time na lang ulit siguro. Good night/morning.
live life... rock and roll!