Thursday, July 10, 2008

"Words do not express thoughts very well. They always become a little different immediately after they are expressed, a little distorted, a little foolish." -Hermann Hesse

Sunday, July 06, 2008

Wala akong panahon sa mga taong hindi marunong mag-appreciate ng effort.

hay... bakit nga ba may nga ganun?

Tuesday, July 01, 2008

Opis

Kasalukuyang nasa opisina. Tanghaling tapat na pero inaantok pa rin ako. Tapos na ang pinapagawa sa akin. Pero may bagong pinapaaral na language. Binigyan kami ng libro at ilang mga manuals. Marami din namang available sa net kung kailangan ko pa ng ibang references. Ang problema, tinatamad ako.

Ngunit dahil bawal tamarin, sinimulan ko nang basahin yung libro. One chapter at a time. tapos ite-testing ko yung mga codes snippets at gagawa ako ng mga sample na katulad nun. na scan ko na yung buong libro. Yung ibang topics, naaral na namin last time. Yung ibang part naman... wala akong maintindihan.

Nakakatamad mag-aral gamit lang ang libro. Ewan, sigurop dahil hindi ako verbal learner o kung ano mang learning style ang tawag dun.

Hay... sana meron na lang driver na pwedeng iinstall sa utak ng isang tao tapos alam nya na agad kung pano yun gamitin. Kaso, asa pa. Hehe...

Tya-tiyagain ko na 'to. Pero inaantok pa rin talaga ako. Sana uwian na, o sana maging busy na kami. Ayoko ng walang ginawa tsaka yung nag-aaral lang mag-isa.

Gusto ko nang umuwi at matulog.

Time space warp, ngayon din!