Saturday, December 30, 2006

We Love You Nanay

Saturday, December 16, 2006

DECEMBER 16, 2006

Kanina, absent ako ng first subject namin. Buti na lang wala si Ma'am Pearl. Hehe... Pagdating ko sa school walang classses. Naglalaro lang sila sa classroom. Nakisali naman ako kasi wala akong magawa nun. Pagkatapos... kumain kami. Sisig at carbonara ang order ko. Tapos nanood kami ng engineering christmas carol competition. Pagkatapos nung mga CS, umuwi nako. Tapos...

Tinatamad akong magkwento. Bukas na lang. Goodnight. :-)

live life... rock and roll!

Thursday, December 14, 2006

Rise Against - Injection (live)



yeah! XD

live life... rock and roll!

Thursday, December 07, 2006

Ewan, Sakit Siguro

Bakit ba may sakit na hindi kayang gamutin ng betadine, band-aid, at paracetamol? Malungkot ako. Kabado. Ewan... magulo utak. Hindi ako makapag-concentrate sa mga dapat gawin. Hindi ko maayos kung paano ko gagawin ang part ko sa tambak na group projects. Hindi ako makapag-aral ng maayos. Nakakapagod. Lalo na kung may sakit ka.

Kung ano at bakit ko nakuha ang sakit ko, ay hindi ko alam. Kahit ako, hindi ko alam ang sarili kong sakit. Wala pa yung results nung nagpunta ako ng doctor. Kung ano man un... hindi ko alam... basta naramradaman ko. Tama bang ipost o pa dito sa blog ang mga bagay na un? Hindi ko din alam. Gusto ko lang ilabas. Wala naman akong maisip na pwedeng pagsabihan. Yung hindi mag-aalala at yung hindi makitid ang utak. Exaggeration lang daw 'to. Tangina gusto mo pakita ko sayo ang sinasabi mong exaggeration.

Nakakainis. Wala akong matandaan na ginawa ko para magkasakit. Sa bagay, ikaw lang ang pwedeng sisihin sa mga nangyayari sayo at ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Tsaka doctor din pala, makakatulong. Hehe...

Hay... gagaling din ako. Bukas. Or hindi. Ewan.



live life... rock and roll!

Sunday, December 03, 2006

Manny Poohquiao on Wowowee



Hahaha... Tawa ako ng tawa kagabi jan.

Enjoy! :-)

live life... rock and roll!