Tuesday, September 15, 2009
Friday, September 11, 2009
Thursday, September 10, 2009
Short Notice
Last night, a friend told me that she's getting married today and I can't get over it. I don't know why but maybe its because of the mixed emotions that suddenly rushed in when I heard the news. I'm happy for them and wish her all the best. :)
Wednesday, September 02, 2009
Gatilyo
Napakaraming tao sa labas nang sumilip ako sa bintana. Nagkakagulo. Nag-uunahan. Meron daw kasing pinamimigay nang libre yung kapit-bahay namin. Yung pila ng mga tao, umabot na hanggang sa bahay namin. Kung ano man yung libre na yun, hindi ko na inalam.
Nanatili lang ako sa loob ng bahay namin. Kasama ko ang pinsan ko. Nag-aasaran lang kami. Naglalaro. Habang napansin ko na marami na rin palang tao sa loob ng bahay namin. Nasa sala sila, pero ung iba, umaakyat na rin sa kwarto namin. Ok lang daw yun sabi ng nanay ko. Parang open house.
Since ayos lang naman daw, hindi ko na pinansin ang pagkapal ng mga tao. andun pa rin kami sa kwarto kasama ko ang pinsan ko at mangilan-ngilang bisita.
Hanggang sa may pumasok na isang lalaki.
Medyo brusko ang dating at mukhang walang gagawin matino. Hindi ako kumportable nang makita ko siya kaya pasimple akong nagmatyag sa mga kilos nya. Hindi nagtagal, may dumating na mga pulis. Ang isa sa mga pulis ay nasa pituan na ng kwarto at biglang sumigaw ng..
Sumuko ka na Rommel!
Si Rommel pala yung mamang pumasok at tama ang hinala ko na wala nga siyang gagawin matino. Dahil nang marinig niya ang tawag sa kanya ng mga pulis, tila may binunot siya sa likod. Unti-unting inilabas at nagulat kami sa aming nakita. Ayos... may dala siyang .357 Magnum revolver.
Matapos ang malakas na sigaw ay tinutukan siya ng mga pulis bagamat malayo ang distansya. Nagpanic ang mga tao. Pinilit nilang makalabas pero wala ring nangyari dahil siksikan na rin sa labas. Ang iba ay natakot at nanigas lang sa kanilang kinatatayuan... nakikiramdam kung ano ang susunod na gagawin ni Rommel.
Ako? Hindi ako alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na yun. Naisip kong wala na akong takas at wala na rin matataguan. Ilang hakbang lang ang layo ko kay Rommel at tanging isang aparador lang ang laman ng kwarto na siguradong di kayang isalba ang buhay ko laban sa baril na hawak niya.
Kaya nanatili na lang ako sa kinatatayuan. Kinakabahan. Nag-iisip. Nagdadasal.
Maya maya lamang ay biglang naisipang barilin ni Rommel ang dalawang tao na malapit bukana ng pinto. Sumagot ng isang putok ang pulis na malapit rin sa may pinto. Tinamaan si Rommel sa hita kaya't bumagsak ito at nakahiga ng patagilid habang bumubulwak ang dugo sa hita.
Akala ng ilang di na nito kayang gumawa pa gulo dahil duguan na at kaawaawa. Pero nang maiangat nyang muli ang mga kamay, pinaputukan pa ulit nito ang isang sibilyan at habang unti-unting nanghihina, tumingala ito, sa dakong kinaroroonan ko.
Alam kong may bala pa ang kanyang baril at hindi ako superhero para iwasan ang tulin ng bala sakaling gawin niya nga ang iniisip ko. Palapit pa lang ang ibang pulis na naipit sa kapal ng mga tao sa baba ng bahay namin kaya ni sila ay di ko na rin maasahan. Kasabay ng kanyang nanghihinang tingin ay ang pagtutok niya ng baril sa akin. Sa mga saglit na yun, kung anu-ano ang pumasok sa isip ko pero biglang nawala ang kaba nang matanggap ko na pagkatapos ng pagkalabit sa gatilyo ay mag-iiba na ang mundo. Pumikit at nag-intay, bumagal ang oras, at biglang..
Nagising na ako sa alarm ko dahil 6:30 am na pala.

Tuesday, September 01, 2009
Tao
Minsan talaga, may mga taong mahirap intindihin. Hindi ko alam kung dahil baluktot ang kanilang katwiran o ang sarili kong pag-iisip ang makitid at baluktot.
Bakit ba may mga taong sariling kasiyahan lang nila ang iniisip? Hindi man lang ba sumagi sa isip nila na responsibilidad din nila ang ibang tao sa paligid nila. Hindi ba nila napansin na dahil sa ginagawa nila ay nakakailang na sila? Hindi ba sila nahihiya?
Mahirap ngumiti kung hindi ka naman talaga masaya ni natutuwa. Mahirap makipag-usap at magpayo sa taong sarado ang utak. Sabi nga nila, mahirap umintindi ang bingi, pero mas mahirap umintindi ang nagbibingi-bingihan.
Pinipilit ang gusto, hindi naman tama. Ang tanging katwiran at pinairal ay puso. Bakit? Nasan ang utak mo? Sapat na ba ang dahilang "kasi gusto ko" kahit alam namang walang ibang patutunguhan kundi "kasi masaya kami".
Sabagay, sa huli, desisyon pa rin ng mga tao ang mananaig. Pwede nilang pilitin ang ipinipilit nilang tama sa kabila ng lahat. Pagtakpan ng tinatawag nilang saya ang hiya at pananagutan sa mga taong kanilang nasaktan. Magpakasaya sa kabatiran ng pakikipaglokohan.
Hindi ko alam sa kanila. Sige, pinili naman nilang tumawid sa apoy, wag silang magreklamong napapaso sila. Sabi nga nanay ko, ang pagpili sa mga bagay na mali ay para lang pagkuha ng bato at ipukpok sa sariling ulo. Siguro mas masarap sa kanilang pakiramdam ang pinupukpok ng bato sa ulo. Kung gayon, pwede bang hulugan ko na lang sila ng malaking bato para hindi na sila mahirapan?
Hindi nakakatuwa.