Thursday, November 30, 2006

Random thoughts

Oo... bawal ako magpuyat dahil may sakit ako ngayon.
Mabuti na lang walang pasok bukas.
Hindi ganun ka-ok ang pakiramdam ko.
Pero ayos lang. Hehe...

Walang pasok bukas dahil daw sa bagyo. "Daw" kasi hindi ko naman talaga narinig ung announcement tungkol sa cancellation ng classes. Sinabi lang din sa akin ng kaibigan ko na sinabi sa kanya ng kaibigan nya na narinig sa... un!

May nakita akong site kanina. Personal website. Na-curious ako dun sa tao. Ang galing nya. Nakakainggit. Nakakamangha. Ang cute... nung site... tska siya. Haha! Next... baka kung ano pa makwento ko.


live life... rock and roll!

Tuesday, November 28, 2006

Sorry... walang bago dito sa blog ko. Maraming ginagawa sa school. Sa Christmas break na lang ulit o di kaya kapag naisipan kong magpalamig sa library. Hehe... bye bye!

live life... rock and roll!

Monday, November 13, 2006

My Avatar :-)


live life... rock and roll!

Sunday, November 12, 2006

New Hair Style

Nagpunta ako kanina sa salon. Malapit lng yung sa amin. Doon ako madalas nagpapagupit simula nung hindi pa ako namamalagi sa Manila. Hehe... Ang laki ng pinagbago ng salon na yon. Three-story building na siya at marami na ring services offered. Walang nagchichismisang bading. Walang maaarteng babae na nagchichismisan din. Payapa. Pero may background music. Gospel music. O di ba, ang saya? Malamig sa loob. Ang lakas ng aircon nila at umaambon din kasi kanina kaya lalong lumamig. Hindi amoy treatment cream yung salon at hindi rin makalat. In short, maganda, payapa, at malinis. Bad trip nga lang, dito pa yun sa Cavite.

Sa pagkakaalam ko, alas kwatro ako nagpunta ng salon. Wala namang pila kaya nagupitan kaagad ako. Trim lang, two inches. Ayokong mabawasan ng marami ang buhok ko. Tinawag na ako nung nasa front desk para gupitan. Ang magugupit sa akin, lalaki. "Ano, lalaki?!" Yun ang unang pumasok sa isip ko pagkakita ko sa kanya. Muka ba akong lalaki at bibigyan nyo ako ng barbero. E kung pagsasapakin ko kaya kayong lahat! (Hehe... ang yabang.) Mukang lalaki yung nagupit sakin pero hindi ako sigurado kung lalaki nga siya. Para i-describe ko ang itsura nya sa madaling salita, muka cyang miyembro ng F4. Muka bang lalaki un?

Nakaupo na ako sa shampoo area (hindi talaga shampoo area tawag dun.. gawa gawa ko lang yun. pede din ung tawaging shampoohan) sabi nya, hindi pa daw magsshampoo kaya lumipat ako ulit ng upuan. Dry cut muna daw. (Dry cut? meron pa palang ganun?) Kaya un, ginupitan nya ako - "dry cut".

Pagkatapos ng isang oras na gupitan. Tsaka pa lang ako shinampoohan. Pagkatapos, conditioner. Hindi ko masyadong nagustohan ang pamamaraan ng kanyang pagshs-shampoo. Sabi nya kasi, masama ang loob nya dahil hindi na sakop ng trabaho nya ang pagsha-shampoo. May ibang naka-assign doon. Pero tinatamad yung naka-assign kaya cya na ang gumawa. Kaya ayun, sa buhok ko yata binuhos ang galit. Wala naman naging pinsala bukod sa nabasa yung buong tenga ko. Pero ok lng, pinunasahan nya naman.

Akala ko blow dry na pagkatapos nung shampoo. Well, akala ko lang yun dahil meron pa palang isang oras na trim. Sa buong buhay ko, kanina lang ako naka encounter ng ganun kametikolosong naggugupit. Suklay, trim. Tingnan kung pantay. Suklay, trim, tingnan kung pantay. Tingnan kung ayos ang volume. Tingnan kung may naiwan. At marami pang iba. Inaantok nako sa tagal. Wala na rin akong ganang magreklamo dahil nga inaatok na ako.

Buti na lang hindi ako nakatulog habang ginugupitan. Hehe... nakakatawa naman ang itsura ko kung nangyari yun. Nakadalawang palit na ng ginugupitan yung nasa tapat ko. Tapos na rin yung nagpa-hot oil. Ako trim lang, nandun pa rin. Dumating at nakaalis na si Boy Text, ginugupitan na rin si Fat Girl, at tapos na rin si Ms. Taray... nandun pa rin ako. Ginugupitan.

Pero masaya naman kahit inabot ng dalawang oras ang gupitan. Hindi naman naubos ang buhok ko at feeling ko maganda ang kinalabasan. Binigyan ko siya ng tip. Pinaabot ko lang dun sa kasama nya. Sana binigay nya at hindi binulsa. Ok naman. Pagkatapos ng pagpapagpag sa mga pinaggupitang buhok, sabi nya sa akin ay magparelax daw ako. Lahat iyon na yata ang bagong tag-line ng mga hairstylists, "Magpa-relax ka na.". Ngumiti lang ako.


live life... rock and roll!

Thursday, November 09, 2006

Sina Cheeky Girl at Party Boy

At ako daw si Shine. Kasalan ng videoke kung bakit meron kaming bagong pangalan ni Kate.

Meron na ring bagong Kate sa classroom. Si Cai ay si Kate na rin tuwing SCL. Ako naman... si Clarisse. Magkalapit ba ung tunog ng Clarisse at Lois? Ewan ko, siguro sa prof ko, oo.

Marami ring mga bagong prof (para sa amin bago sila dahil ngayon lang namin sila naging prof).
Si Sir Deja Vu. Wala, gawa gawa ko lang pangalan na un. Kasi tuwing aattend ka ng klase nya, para kang na deja vu... inuulit nya lahat ng sinabi nya last meeting. Sasabihin mo nalng sa sarili mo, "parang nangyari na 'to".

Si Mr. Lover Boy na pede ring maging si Mr. Cool Guy. Ang pormal nya. Para siyang makikipagdate. Confident magsalita at maganda ang voice projection. Marami siyang tech gadgets na mahal kahit na sinasabi niyang hindi daw kanya yun.

Si Ma'am Okray. Inokray nya kasi ung mga classmates ko nung pagkilala isa-isa. Pero masaya naman. Kaya lang, madalas adsent si Ma'am Okray kaya ung assignment na ginawa namin, hindi na napapansin.

Sino pa ba? Hmm... wala pa kaming prof sa ibang subjects. Tsaka ko na lang kukwento ung iba kapag na-meet na namin sila.

Hehe...

Goodbye Cheeky Girl! :-)
live life... rock and roll!

Saturday, November 04, 2006

MINAMALAS

Hindi ko alam kung ano meron sa araw na 'to pero masaya ako pagkagising dahil bertdey ng aking nanay. Bukod dun... marami pang nangyari.

Ang aga ko nagising kanina. Maaga daw kasi kaming aalis ng ate ko para mamili. First time kong makakita ng sunrise ngayong sembreak dahil oras ng tanghalian ang default kong gising. (Oo... pang tamad).

Kainis! Ang traffic papuntang school... and traffic papuntang manila. Kaya ayun, inabot kami ng siyam siyam sa daan. Wala naman akong choice kundi umupo sa bus at intayin na makarating sa paroroonan.

Pagkatapos ko samahan ang ate ko, nagpunta ako sa school para mag-enroll. Ala una na yata nung dumating ako school. Isa pang bad trip... wala daw akong subjects kaya kailangan pang magpa-advise at magpa-encode sa college namin. Kainis! kaya un, nagpunta ako sa faculty room ng department namin upang magpa-advise.

May maikling pila. So ok lang sa akin maghintay. Kaso ang problema, sobrang tagal mag-advise. Halos 10 minutes ang isang estudyante. Anim pa ang nasa unahan ko. No choice pa rin kaya't nag-intay ng mahigit isang oras. Buti na lang may nakita ako kaklase.

Hindi ko na ikkwento kung ano nangyari sa pag-aadvise sa akin. Pero masamang balitang at nakakalungkot. Secret na lang un. Hay... tama ung kaibigan ko. Hindi advising ang tawag ang tawag dun. Dictating. Hindi ka naman pwedeng pumili ng gusto mo. Lahat siya magsasabi. Siya ang magdedesisyon. Pano pa naging nag-advising un? Anyway...

Pagkatapos magpa-encode ay nagpunta nako sa seminary gym para magenroll. Sana. Kaso hindi kami umabot. Nakita pa naming sinasara yung gate. Ayaw na talaga magpapapasok. Bumalik na lang daw kami sa Lunes. Maraming salamat.

Bumili muna ako ng pagkain bago magpunta sa dorm at bulabugin ang roommate kong nandun na. Grabe, para akong bibitayin nung kumakain. Alas quatro ng hapong tanghalian. At iyon ang aking first meal of the day. Napakasaya.

Umalis ako sa dorm ng alas sais. Hindi naman ako natraffic sa quiapo. Mabilis akong nakasakay ng bus sa lawton. At maluwag naman sa taft. Akala ko makakarating ako sa bahay ng seven thirty or eight pm. Wala. Asa pako. Akala ko lang yun dahil inugat na sa coastal ang sinaksakyan kong bus. Sobrang traffic. Sobra. Simula sa coastal road junction (pauso ko lang na junction un), hanggang dito sa amin, kaya ng 15 minutes or less ang biyahe... considering a traffic free situation. Sa biyahe ko kanina, dalawang oras simula coastal hanggang dito sa amin. Dalawang oras. Dalawang malagim na oras. Natapos na ang isang movie ni richard gere na palabas sa bus... nasa coastal pa rin kami. Nasa kalahati na ang bagong salang na movie... nasa coastal pa rin kami. Oh yes!

Nakakainis pa yung katabi ko sa bus kaninang pauwi. Grabe, katabi ko siya ng tatlong oras. Mabuti at natiis ko iyon (haha! ang yabang!). Bakit nakakainis? Kasi meron yata siyang "Bawal-dumikit-sa-akin" policy. Ayaw nyang masasanggi cya o kahit na dumikit. Ang arte nya! Sana nag-taxi na lang siya kung ayaw niya ng hussle. Anyway... bahala siya sa buhay niya. Sana hindi ko na ulit siya makatabi.

Bago ako bumaba ng bus, umulan ng malakas na malakas.

At ngayon, masama ang pakiramdam ko. Para akong may lagnat at masakit ang mata. Siguro dahil puyat lang. Good luck sa akin.

Maraming salamat sa araw na ito. Ang daming nangyari. I love this day.

Sana hindi matuloy ang sakit ko kahit na kakagaling lang sa trangkaso at sore eyes yung kausap ko kanina.

So God help me for tomorrow.

"Everything will be fine."

Goodnight. :-)


live life... rock and roll!

Thursday, November 02, 2006



live life... rock and roll!

Wednesday, November 01, 2006

Bokabularyo ng mga Bading

Habang nag-iisip ng pwedeng i-post dito sa blog ko... masyadong akong na-curious sa gay lingo kaya naisipan ko siyang i-research sa internet. Sa tulong ng google, nakakuha ako ng isang thread galing sa yehey forums at ito ang nakasulat na pinost ng isa sa mga miyembro dun, si pawsa.

---

Bokabularyo...

The Philippine Collegian Lampoon Issue writes:

Okay, you wanna be badings, there's a new book entitled "Balajbolaryo" out in your favorite bookstores, collaborated on by the two of my favorite gay writers. No, It's not Neil Garcia or Charie Samuya Veric. They are Mapapelle Lapel and Je Mapelle Lapel. Presented here is a partial list of GaySpeak from their best-selling book that is making the rounds in the beauty parlor around the archipelago.

1. 10,000 - sobrang tagal, sobrang bagal
2. anda/andalucia/anju/Anjo Yllaña - pera,datung
3. anik - ano
4. balaj - balahura, dautero, bakla
5. Bitter Ocampo - bitter, malungkot
6. borlog - tulog
7. carry, keri, cash & carry - sige, okay, alright, pang-final draft
8. Cathy Santillan/Kate Gomez/Cathy Mora - makati,ma-L
9. chaka (from Chaka Khan) - pangit, kasi parang concert nya rito
10. char/charot/charing/charbroiled - kabaligtaran ng keri
11. chova/chovaline kyle - chika lang
12. Cookie Chua/Cookie Monster - magluto
13. clasmarurut/klasmarurut - classmate
14. cornball/cornstarch - korni
15. Crayola Khomeni - iyak
16. Cynthia - hindi kilalang babe, pwede ring lalaki (as in "sino sha?)
17. Dakota Harrison/Dakila - malaki (maybe from the visayan language "dako"?)
18. daot - isang metapisikal na insekto, insulto
19. dugyot - yagit,madumi
20. eksena/eksenadora - mahilig pumapel, mahilig sumabat
21. emote - mag-inarte pa rin
22. entourage/enter - pasok
23. epal - pumapel kahit hindi welcome
24. fatale - sobra, to the max
25. feel/fillet o' fish - type, gusto, naitipuhan
26. feelingero,feelingera - mahilig magmaganda
27. fly - alis
28. forever - palagi, matagal, mabagal
29. freesryle - slow makagets
30. ganitriz/ganitrik - ganito
31. girlash - babe
32. hums - hundred
33. imbey/im - imbyerna, irita, inis, banas, asar
34. itriz/itrik - ito
35. jologs/dyologs - basura, iskwaking, iskwakwa, squatter
36. jowa/jowabelles/jowabella - karelasyon, boyprend o gerlpren
37. jubis,juba - taba
38. jutay - maliit
39. kangkang - niig, talik, sex
40. kape/capuccino/Coffeemate - magising ka sa katotohanan, excuse me
41. karir/career - lumandi, kumiri
42. kiao - thousand
43. lafung/lafang/lafesh/lafs/lafez - kain, lamon
44. lapel - masyadong malakas ang boses, parang naka-lapel mic
45. Liberty/Statue of Liberty/Liberty Condensada - libre, free
46. Luz Valdez/Lucila Lalu/Luz Clarita - talo, loser
47. Moody Diaz (RIP) - moody
48. nenok - nakawin
49. okray - paninirang puri
50. pantot/pantotero - mahilig umeksena
51. Payatolo Khomeinie/Payatas - payat
52. performance art - sining ng inarte
53. performance artist - mahilig mag-inarte
54. Pocahontas - nang-indyan ng usapan
55. pukengkeng - kikay
56. queber/keber/kebs - walang pakialam, paki ko
57. rampage - rampa
58. Rita Avila/Rita Magdalena - banas, irita, imbey
59. sense/sight - tingnan
60. Sheryl Cruz/Sharmaine Arnaiz - hwag dupang, mag-share
61. Simeon - hindi kilalang lalaki, pwede ring babae (as in "sino 'yon?")
62. tikbalang - tibak, aktibista
63. utaw/jutaw - tao
64. vekhla/lola/mother/sister/ate - terms of endearment
65. wafung - tigilan mo ako, manahimik ka
66. waswit - sweetheart, syota
67. Winnie the Pooh/Winnie Monsod/wagi - winner, panalo, okey, alright
68. wit/wiz - dehins, no
69. xyz - three last letters ng alphabet
70. ohm/boylet - lalaki
71. bongzy - bongga, galing, pwede ring gwapo

*Note: Maaaring pagsamahin ang dalawa omahigit panf salita upang makabuo ng isang makabuluhang pahayag.

Hal.

daot fatale - sobrang mang-insulto

lapel fatale -sobra at palaging ma-epal

10,000 years ko nang hinihintay si klasmarurut pero wiz pa rin sha
Translation: Ang tagal ko nang hinihintay si classmate pero wala pa rin siya.

Mother, sight mo yung mag-jowa, chaka ng girlash, bongzy ng ohm.
Translation: Uy, tingnan mo yung mag-boyfriend, ang pangit ng babae, ang gwapo ng lalake.

---

Ayan... nakakatuwa ung mga post sa forum nila.
Marami pa dun... kung gusto ninyo, bisitahin nyo na ito dito
http://ustexchange.yehey.com/forums/printthread.php?t=2053&page=3&pp=30


live life... rock and roll!

Ang Tarush ng Lola Mo Ever!

Si Cheverloo! Kasalanan ni Cheverloo kung bakit nagiging ganitech ang lola mo ever! Infairness in look alike ka ng kachaka na badush dun sa kanto nyo to the highest level!

(Iluwa mo si lois! Bakla ka! Anong ginawa mo sa kanya, ha?!!)

Haha! Si cheverloo... siya ang unang unang nabasa ko kanina kaya ganito ako magsalita ngayon. Hehe... ewan. Na-absorb ko yata maiigi yung mga pinagsasasabi nya.

Sino si Cheverloo? Yung bading na nakaisip ng kabaklaan.

live life... rock and roll!

Halloween 1

Nagbabasa ako kanina ng libro. Actually bago matulog nagbabasa ako libro. Sakto kanina... ang galing. Tungkol sa patay ung part na natapat. Wala naman sa plano ko ang basahin ang part na yun sa araw ng mga patay... nagkataon lang. Hindi naman ako nakatakot kasi tungkol sa nakakatawang funerals yung stories. Hehe... Share ko lang. :-)

live life... rock and roll!